in ,

Estudyanteng pinagsabay ang pagko-konstruksyon worker at pag-aaral, nakapagtapos bilang Valedictorian

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Habang karamihan sa mga estudyante ay lulong sa kakalaro ng online games, isang huwaran na mag-aaral na nagmula sa Gueguesangen, Mangaldan, Pangasinan ang tiyak na magbibigay paalala sa mga kabataan na may matamis na bunga ang lahat ng bagay na pinaghihirapan.

Maaga mang namulat sa kahirapan, hindi naman sumuko si Michael Espanol na makamit ang kanyang mga pangarap. Ang kanyang ama ay isang messenger na kumikita lamang ng P10,000 kada buwan at ang kanyang ina naman ay isang mananahi na suma-side lamang kapag may nagpapatahi at walang regular na sahod. Sa kabila nito, ay nagpursige pa rin si Michael na gumawa ng paraan upang makapagtapos at makatulong sa magulang.

Source: abscbnnews

Dahil alam nitong sapat na sapat lamang ang kinikita ng mga magulang, pinagbuti ni Michael na magtrabaho na lamang bilang construction worker sa kanilang lugar tuwing walang siyang pasok sa eskwela. Ginagamit niya ang kinikita niyang 250 kada araw upang pangtustos sa kanyang pagaaral tulad ng uniporme, libro at mga kagamitan pang eskwela.

Source: abscbnnews

Sa kabila ng kanyang pagsisikap, nakakatanggap pa rin si Michael ng mga sabi-sabi na hindi na lamang niya initindi. Minsan naman ay may mga taong mapanghusga pero hindi niya ito hinayaang makaapekto sa kanya. Aniya, “Meron pong mga taong hindi naniniwala sa atin. So payo ko po sa inyo, ‘wag na po natin silang itindihin at mag-focus lang tayo sa goals natin.”

Source: abscbnnews

Hindi rin pinayagan ni Michael na maging hadlang ang kahirapan o trabaho upang makapag-aral ng mabuti. Araw-araw ay tinatapos na niya ang kanyang mga homework at gawain na para sa eskwela. Pinagiigihan pa nito ang pag-aaral dahil alam nito na ang ito ay isa lamang sa mga hakbang na kanyang kailangan upang makamit ang kanyang mga pangarap.

Source: abscbnews

Dahil rito ay nakapagtapos siya ng pagaaral bilang Valedictorian. Nakakahanga ang tagumpay na naabot ni Michael at alam ng lahat na malayo pa ang mararating nito. Hindi naman lingid sa kanyang mga magulang ang pagpupursige nito kaya’t proud na proud sila rito.

Source : dzmm

Naging viral ang kwento ni Michael sa social media at naipalabas rin sa isang media station. Nawa’y maging inspirasyon sa mga kabataan ang kwento niya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

After leaving showbiz, this is now the life of actress Maui Taylor

Gwapong Amerikano na humingi ng tulong kay Tulfo, Mr. Right nga ba ng isa sa mga staff ng programa?