in ,

Kilalanin ang mga Pinay na nasa matataas na posisyon sa gobyerno ng U.S.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Matapos pormal na umupo sa pwesto bilang presidente ng Amerika si Joe Biden, ay tatlong Pinay agad ang namataan na nailagay sa matataas na posisyon sa gobyerno ng Amerika. Nais ni Biden na magkaroon ng diverse na liderato sa iba’t ibang sangay ng gobyerno nito.

Ang tatlong kahanga-hanga na Pinay na nasa posisyon ay sina Gloria Steele, Camille Calimlim Touton at si Veronica Valdez. Sila ang pinili na mamuno sa mga ahensya ng gobyerno ng U.S. matapos ang inauguration ng 46th na presidente ng U.S. noong January 20,2021.

Si Gng. Camille Calimlim-Touton ang namumuno bilang Deputy Commissioner ng Bureau of Reclamation in the Department of Interior. Si Gng. Gloria Steele naman ang namumuno bilang Acting Administrator ng Ahensya ng United States para sa Interior Development (USAID). Si Gng. Veronica Valdez naman nasa ahensya ng Department of Defense bilang Special Assistant para sa Assistant Secretary of Defense for Indo-Pacific Security Affairs.

Maliban sa tatlong ginang ay mayroon din mga Filipino-American o Fil-Am, na nailagay sa pwesto tulad ni Jason Tengco bilang U.S Office of Personnel Management’s White House Liaison. Kabilang na rin si John Santos na nailagay sa pangalawa sa pinakamalaking ahensya – ang Department of Veterans Affairs (VA), bilang Special Assistant sa Office of Public and Intergovernmental Affairs.

Source : newamerica

Isang Fil-Am din na bagong graduate sa Georgetown University ang itinalaga ni President Biden bilang Press Assistant sa White House Communications.

Camille Calimlim-Touton (Bureau of Reclamation)

Source: Google


Tubong Dagupan si Gng. Camille Calimlim-Touton at ang kauna-unahang Filipino-American na italaga sa pinakaimportante na leadership role. Nagbahagi naman si Gng. Grace F. Napolitano na U.S. Representative ukol sa pagkatalaga kay Gng. Calimlim-Touton. Aniya, “Ms. Touton is a master of the complicated issues of Western water policy, who fully understands the grave threats posed by climate change and unpredictable drought cycles. She is well respected by the wide spectrum of water leaders, including Democrats and Republicans, federal, state, and local water officials, and non-governmental groups.”

Nakapagtapos si Gng. Calimlim-Toutan ng Bachelor of Science in Civil Engineering at Bachelor of Arts in Communication Studies sa University of Nevada, Las Vegas.

Veronica Valdez (Department of Defense)

Source: Google

Pinanganak sa Maynila si Gng. Valdez ngunit sa Sydney, Australia ito lumaki. Nakapagtapos siya ng B.S. degree sa International Business sa Ohio State University, Master’s in International Affairs sa University of California, San Diego. Nakapagaral din si Gng. Valdez ng Mandarin sa Peking University. Nakatanggap din ng Presidential recognition at iba pang awards tulad ng Air Force Meritorious Civilian Service Award, at and Navy Superior Public Service Award. Nung isang taon ay natanggap niya ang National Security and Foreign Policy Next Generation Leaders awardees na mula sa Asian American Pacific Islander (AAPI).

Gloria Steele (USAID)

Source: Google

Nakapagtapos ng Bachelor’s degree in Business Administration sa Maryknoll College (o kilala ngayon bilang Miriam College) at Master’s degree sa Agricultural Economics sa Kansas State University. Dating guro din si Gng. Steele ng Business Economics sa Letran Graduate School of Business sa Maynila at naging Management Consultant sa Secretary of Agriculture sa Pilipinas.

Nakatanggap din sya ng iba’t ibang award tulad ng Presidential Meritorious Executive Award in 2007, Presidential Distinguished Executive Awards in 2008 and 2018, and the Order of Sikatuna award from the President of the Philippines in 2015.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Joey de Leon’s beautiful daughter graduated as cum laude in one university in New York City

After leaving showbiz, this is now the life of actress Maui Taylor