in ,

Isang napakaganda at napakasimpleng kasal na higit sa Php30,000 lamang ang iginastos

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagpapakasal ay isa sa mga magandang pangyayari sa buhay ng bawat taong nagmamahalan. Hindi mahalaga ang magarbong handaan para maipakita ang tunay na pagmamahalan. Kahit sa simpleng kasalan lang ay naitataguyod pa rin ang tunay na diwa ng pag-aasawa. Ika nga nila, ang tunay na mahalaga ay “Contentment is the key to happiness”.

Katulad na lamang ng kwento ng isang bride na naging praktikal lamang sa paggastos nila sa kanilang kasal. Ang bride na ito ay si Rich Alberto, ibinahagi niya sa kaniyang facebook account ang kanilang napakaganda at napakasimpleng kasal na hindi umabot sa napakalaking halagang gastos.

Ayon kay Rich, talagang naka-plano na ang kanilang kasal ay hindi gagastos ng malaki na uubos ng kanilang ipon. Dahil nais lang nilang maging praktikal lalo pa’t ayaw nilang gumastos ang kanilang mga magulang na sa simula’t simula ay sila naman ang may desisyon na magpakasal. Dagdag pa niya, gusto lang niya at ng kaniyang kasintahan na maging memorable ang kanilang kasal na hindi kailangan maubos ang kanilang pera, ayaw nilang dumating sa puntong wala na silang budget pagkatapos ng kanilang kasal. Kung kaya’t nakaisip ng paraan si Rich upang hindi maging malaki ang kanilang gastos.

Si Rich kasama ang kaniyang kasintahan at kanilang mga kaibigan ang nagtulong-tulong upang maisagawa lahat ng mga kailangan sa kasal kagaya na lamang ng kaniyang wedding gown, wedding invitation, wedding souvenirs, wedding bouquet pati na rin ang kanilang reception ay “do-it-yourself” lamang ni Rich. Kaya ang kanilang kasal ay umabot lamang sa Php30,000 ang kanilang iginastos.

Kaya ang una sa listahan ni Rich ay ang kanilang magiging wedding reception, ayon sa kaniya mas magandang pumili ng reception na halos may maganda na ang interior design para makalibre sa pagdedecorate ng lugar. Ang sunod naman sa kaniyang listahan ay ang kanilang wedding invitation na sinesend na lamang niya sa messenger upang malaman ng kanilang mga bisita. Pati ang programa ng kanilang kasal ay nagawa nila ng maayos kasama ang kaniya mga kaibigan. Kaya lubos din talagang nagpapasalamat si Rich na may mga kaibigan siyang sumusuporta sa kaniya.

Kahit ang photographer, videographer, make-up artist at host ng kanilang kasal ay pawang kanilang mga kaibigan lamang. Ayon pa kay Rich, hindi naman sa nais niya iparating na magtipid ng sobra sa mahalagang pagdiriwang ng pag-aasawa ang gusto niya lang ay maipakita na may mga bagay na maaring gawin upang hindi lang lumaki ng sobra ang kanilang gagastusin. May mga paraan pa rin ang nagagawa upang maging maganda ang pagdiriwang na hindi naglalabas ng malaking halaga.

Para sa kaniya, ang tanging mahalaga sa kanila ngayon ay ang magkaroon ng magandang trabaho, sapat na pera upang magsimula ng pamilya at magkaroon ng sariling bahay. Iba-iba man ang gusto ng bawat isa lalong-lalo na pagdating sa usapin ng kasal ang mahalaga ay kasama niyo ang bawat isa sa pagbuo ng inyong mga pangarap at maging matagumpay ng magkasama sa habambuhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Pinoy startup on a minimalistic homes that cost for as low as Php89,000.00

Look: Life of Jennica Garcia Uytingco, daughter of actress Jean Garcia after leaving the showbiz