in , ,

Bahay na gawa sa Cargo Containers, hindi mo aakalain na ganito pala kaganda sa loob!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bawat isa sa atin ay pinapangarap na magkaroon ng sariling bahay. Iba iba man ang gusto nating hitsura, ay pare-pareho pa rin ang patutunguhan. Kaya naman karamihan sa mga Pilipino ay masisipag at matitiyaga. Ito ang madalas sabihin sa atin ng mga banyaga dahil nakikita nila ang pagpupursige nating mga Pinoy upang maabot ang ating mga pangarap.

Isang bahay naman na gawa sa cargo containers ang bunga ng pagpupursige. Ang bahay na ito ay usap-usapan dahil gawa ito sa labing-isang pirasong cargo containers na pinagpatong patong hanggang sa makabuo ng isang bahay. Ganito ang disenyong pinili ng may-ari nito, ngunit magugulat kayo sa ganda ng loob nito.

Ang bahay na ito ay matatagpuan sa Houston, USA at unang nabalita ito sa Home Junkie facebook page. Marami ang namangha sa litrato ng bahay na ito dahil mas maganda pala ito sa gabi.

Marami ang nagsasabi na mas mura ang ganitong klaseng bahay at mas mabilis gawin kaysa sa bahay na gawa sa cemento.

Ang loob naman nito ay hindi mo aakalain na kaya palang pagandahin pa dahil napaka ganda ng interiors nito at sakto lang sa disenyo ng exterior.

Malinis at hindi na nilagyang ng ceiling design ang looban nito. Mukhang modern at marami ang mga lagayan ng gamit sa loob. Yun nga lang mas maganda kung ang mga kailangan gamit lamang ang ilalagay sa ganitong klase ng bahay dahil limitado lamang ang bigat na kakayanin ng mga cargo containers.

Ang panlabas naman nito ay may mini garden at mga halaman sa labas ng pintuan na siyang nagbibigay ng homey ambiance. Kumpleto rin ang looban ng kagamitang pang bahay lalo na ang mga kagamitan na ginagamit sa kusina.

Marami ang humanga sa kakaibang bahay na ito. Narito ang ilan sa mga komento ng mg netizens:
“I’ve seen these executed so much better. This literally looks like a junkyard pile of containers. But if that’s your cup of tea… Also, the lack of windows makes the inside way too dark for me. Light is so important.”

“I love the whole idea the whole thing have to be one color other than that great a recyclable idea.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ito pala ang mga natapos na kurso ng mga sikat na artista sa kolehiyo

Pinoy startup on a minimalistic homes that cost for as low as Php89,000.00