in ,

CuteCute LoveLove OMGOMG CryCry

Sila pala ang mga artistang nakapangasawa ng mga bilyonaryo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pag-aasawa ay hindi madaling pasukin, hindi naman ito isang kaning mainit na kapag napaso ka ay iluluwa mo na lang. Kinakailangan sa pag-aasawa ang pagkakaroon ng maayos na buhay ito yung tipong may magandang trabaho at may siguradong kita ang iyong mapapangasawa upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya.

Isa sa mga pinapangarap ng mga babae at magkaroon ng gwapo, marespeto, mapagmahal at isang mayamang lalaki na mapapangasawa. Sa kagaya ng mga ito para ka na ring nanalo sa loto dahil napaka-swerte mo na sa asawa. Kagaya na lamang ng mga artistang naka-pangasawa ng mga lalaking bilyonaryo.

Narito ang mga artistang hindi mo aakalain na may mayayamang asawa:

  1. Assunta de Rossi-Ledesma
Source : PhilStar

Si Assunta ay isang half-Italian actress na ikinasal kay Congressman Jules Ledesma na isang mayamang politiko sa Negros Occidental. Si Assunta ay ikinasal sa edad na 19 lamang at si Congressman Jules naman ay nasa edad na 41. Si Congressman Jules Ledesma ay galing na sa angkan ng mga Ledesma na matagal ng namumuno sa bayan ng Negros Occidental. Maraming pag-aari ang kaniyang pamilya isa na rito ang pagawaan ng asukal sa Negros.

  1. Gretchen Baretto
Source: PhilStar

Si Gretchen ay isa sa mga sikat at napapabilang sa mga naggagandahang aktres noong kaniyang kapanuhan. Siya ay ikinasal sa kaniyang longtime partner na isang businessman na si Tony Boy Cojuangco. Si Tony Boy ay former chairman ng PLDT at AirAsia, siya rin ay isa sa local partner ng Okada ang pinakasikat na casino sa buong mundo.

  1. Krista-Ranillo Lim

Si Cristalle Lauren Tupaz Ranillo-Lim ay isang dating sexy star na galing sa pamilya ng mga artista. Si Krista ay ikinasal sa kaniyang childhood sweetheart na si Nino Jefferson Lim noong 2010 sa California, America. Si Jefferson ay isang mayamang businessman, siya lang namang ang founder at CEO ng mga sikat na supermarket chain sa America ito ang Island Pacific Supermarket na mayroon ng 16 branches sa America.

  1. Pauleen Luna-Sotto

Si Pauleen Luna ay isa sa mga TV Host ng longtime TV show na “Eat Bulaga”. Dito niya nakasama at naging kasintahan si Bossing Vic Sotto na kaniya ng asawa ngayon. Si Vic Sotto ay isa sa mga pinakamayamang personalidad sa show business dahil na rin sa tagal nito sa industriya ng pag-aartista.

  1. Beauty Gonzales-Crisologo

Si Beauty Gonzales ay isang former PBB Housemate at siya rin ay isang half Spanish-Filipino actress. Siya ay ikinasal kay Norman Crisologo isang mayamang businessman sa bansa. Sila ay nagpakasal sa isang garden wedding sa Tagaytay. Si Norman ay isang art curator ng mga mamahaling paintings at mga art collections sa bansa.

  1. Julia-Clarete McGeown

Si Julia Clarete ay singer-actress at isang TV Host sa noontime show na “Eat Bulaga”. Siya ay ikinasal kay Gareth McGeown isang mayamang Irish National noong July 2017. Si Gareth ang Coca-Cola Commercial Director ng Singapore, Malaysia at Brunei.

  1. Dawn-Zulueta Lagdameo

Si Dawn Zulueta ay isa sa mga prominenteng artista sa mundo ng pelikula dahil sa angking galing nito sa pag-arte. Si Dawn ay naging isang TV host at commercial model. Siya ay ikinasal kay Anton Florendo Lagdameo Jr. taong 1997. Si Anton ay isang mayamang politiko at businessman at siya ay galing sa mayamang angkan sa Southern Mindanao.

  1. Kaye Abad-Castillo

Si Kaye Abad ay isa sa mga ABS-CBN’s Star Magic actress dito nagsimula ang kaniyang karera sa pag-aartista. Siya ay ikinasal kay Paul Jake Castillo na dating PBB Housemate. Si Paul Jake ay nagmula sa mayamang pamilya sa Cebu City. Ang pamilya ni Paul Jake ay nagmamay-ari ng maraming property sa Cebu at ng kompanya ng Bioderm, Efficacient Oil at Casino Alcohol. Si Paul Jake lang naman ang nagmamay-ari ng isa sa mga sikat lechunan sa Cebu ang “Yobob”.

  1. Niña-Jose Quiambao

Si Niña-Jose ay dating PBB Housemate sa kauna-unahang edisyon ng Pinoy Big Brother Teens noong 2006. Siya ngayon ay ikinasal na kay Mayor Cezar Quiambao isang mayamang politiko na nagmamay-ari ng Stradcom Corporation.

  1. Bangs-Garcia Billamore

Si Bangs Garcia ay isa sa mga magagaling na aktres ng ABS-CBN. Siya ay ikinasal kay Lloyd Birchmore isang Filipino-British Businessman at property developer. Ang dalawa ay ikinasal ng tatlong beses noong una sa civil wedding lamang pagkatapos sila ay ikinasal din sa simbahan at sa isang garden wedding.

Tunay ngang ang mga aktres na ito ay isa sa mga pinaka-maswerteng babae sa mundo dahil hindi kailanman nila naranasan ang maging hikahos sa buhay. Mayamang man silang maituturing ang pinakamahalaga sa lahat ay ang kanilang tunay na pagmamahalan kasama ang kanilang pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dating kasambahay, magna cum laude na ngayon sa edad na 30

Ito pala ang mga natapos na kurso ng mga sikat na artista sa kolehiyo