in ,

CuteCute

Ito pala ang mga natapos na kurso ng mga sikat na artista sa kolehiyo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagiging isang degree holder ang isa sa mga achievement na ng isang tao. Ito ang pang-habambuhay na tagumpay na nakakamit ng bawat isa. Kagaya rin ng mga ordinaryong tao may mga artista ring nakapag-tapos ng pag-aaral sa kolehiyo ng may mga magagandang kurso sa kabila ng dami ng kanilang trabaho.

Ito ang mga artistang nakapagtapos ng may magagandang kurso sa kolehiyo:

Carla Abellana

Si Carla Abellana ay nag-aral sa De La Salle University sa Maynila siya ay nakapag-tapos ng kolehiyo na may kursong Bachelor of Arts in Pyschology. Siya ay nakapagtapos ng may karangalang Cum Laude, siya ay isa sa mga matatalinong artista ngayon sa industriya ng entertainment.

Eugene Domingo

Si Eugene Domingo ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Theater Arts sa University of the Philippines. Ang kaniyang naging kurso sa kolehiyo ang kaniyang naging daan upang maging bihasa sa pag-arte.

Enchong Dee

Si Enchong Dee ay nagtapos ng kaniyang kolehiyo sa De La Salle University sa kursong Development Studies. Siya ay naging bahagi ng swimming team at isa sa mga magagaling na atleta ng kanilang unibersidad bago siya naging isang artista.

Karylle Padilla Tatlonghari

Si Karylle Padilla ay nagtapos sa Ateneo De Manila University sa kursong Bachelor of Science in Management major in Communications Technology Management. Siya ay isang consistent dean’s lister sa kabila ng kaniyang hectic schedule ng kaniyang pagiging host sa noontime show na it’s Showtime.

Venus Raj

Si Venus Raj ay isang beauty queen at nakapag-tapos ng pag-aaral sa sa Bicol University sa kursong Bachelor of Arts in Journalism. Siya ay nagtamo ng award bilang isang cum laude at siya ay kumuha din ng kaniyang masteral degree sa University of the Philippines sa kursong Community Deveopment.

Chris Tiu

Ang basketball player na si Chris Tiu ay nagtapos ng kolehiyo sa Ateneo de Manila University sa kursong Bachelor of Science in Management Engineering at siya nagtamo ng award bilang isang cum laude.

Alex Gonzaga

Si Alex Gonzaga ay nakapagtapos ng kaniyang pag-aaral sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Child Development. Siya ay nagtapos sa University of Asia and Pacific.

Marian Rivera

Si Marian Rivera bilang isang magaling na aktres ay nakapagtapos ng kaniyang kolehiyo sa De La Salle University sa Dasmariñas Cavite. Natapos niya ang kursong Bachelor of Arts in Psychology.

Robi Domingo

Si Robi Domingo ay nakapagtapos ng kaniyang pag-aaral sa Ateneo De Manila sa kursong Bachelor of Science in Health Sciences. Siya ay kasalukuyang nag-aaral noon sa kolehiyo ng siya ay pumasok sa Pinoy Big Brother Teen Edition at hindi kalaunan siya ay naging isang TV Host.

Sa kabila ng kanilang sobrang hectic na schedule sa pagtatrabaho bilang mga artista sila pa rin ay nakapagtapos ng pag-aaral sa magagandang unibersidad at nagkamit pa ng mga awards. Hindi hadlang ang kawalan ng oras upang magkaroon ng tinatamasang kinabukasan ito ay nasa tao kung paano niya panghahawakan ang kaniyang oras.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Sila-sila Pala Ang Mga Artistang Nakapangasawa Ng Mga Bilyonaryo

Bahay na gawa sa Cargo Containers, hindi mo aakalain na ganito pala kaganda sa loob!