in

LoveLove OMGOMG CuteCute

Pinoy na Tricycle Driver, nakapangasawa ng isang napakagandang dayuhan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Mula sa isang facebook post ang kwento ng isang tricycle driver na nakapangasawa ng isang napakagandang dayuhan. Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizens na nakabasa nito. Marami ang nagulat at idinaan sa biro ang pagkahanga nila ngunit mayroon ding hindi natutuwa sa pagsasama nila.

Nahulog umano ang loob ng binibini sa ating kababayang tricycle driver matapos nito ipakita ang kabutihan ng puso nito. Aniya,  napakabait raw nito sa kanya, ma-alaga ito na siya naman kapani-paniwala dahil likas na hospitable ang mga Pilipino. Dagdag pa ng dalaga na magalang din ang ating kababayan lalong lalo na sa mga nakatatanda. Isang paguugali na madalang rin makita sa mga banyaga o dayuhan.

Mapagmahal rin umano ito at dahil dito ay tuluyan na ngang napaibig ang binibini. Hindi kataka-takang nabihag ng ating kababayan ang puso nito dahil sa busilak nitong puso na mismong nakita at naiparamdam nito. Hindi naman naging hadlang sa kanilang pagsasama ang pagtatrabaho nito bilang tricycle driver dahil sinisiguro nito na may oras ito sa dalaga. Inamin naman ng dalaga na hindi siya tumitingin sa panlabas na anyo kundi sa kabutihan ng puso ng isang tao. Kaya naman ay pinili nitong makasama ang ating kababayan pang habang buhay.

Ayong sa isang netizen na si Manskie Gonzales na nagcomment sa post, “God Bless, Bro. mahalin mo yan. Hulog sayo ng langit yan. Tulong ka sa kapwa pag mayaman kana wag ka makakalimot.”

Isa din namang netizen na si Mary Grace Diomampo ang nagcomment rin para sa bagong kasal, “As long as we have good heart, God will give us reward. Yun ang nakita ng kano sa kanya. God Bless mamuhay kayo ng masaya at maligaya!”

Si Lurleen Milvar rin na isang netizen ay natutuwa sa pag-iibigan ng dalawa. Nag-iwan din siya ng comment para sa kanila, “Hindi naman sa itsura yon. Kundi sa buong pagkatao.”

Makikita sa kanilang mga litrato na magaan ang loob nila sa isa’t-isa at masayang masaya sila sa kanilang relasyon.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Gasoline boy na natupad ang pangarap makapagpatayo ng bahay gamit ang kanyang sweldo

Dating kasambahay, magna cum laude na ngayon sa edad na 30