in

Gasoline boy na natupad ang pangarap makapagpatayo ng bahay gamit ang kanyang sweldo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Mahirap para sa mga mamamayan natin na minimum wage earners ang makaipon upang makapagpatayo ng sariling bahay. Di rin biro ang kailangang gastusin na pera upang bumili ng materyales at magpasahod sa mga tao na bubuo nito. Kaya kadalasan ay mas pinipili ng karamihan sa ating mga kababayan na nagrerenta na lamang ng kwarto kaysa magpagawa ng bahay. Ngunit isang gasoline boy ang nagpatunay na basta’t patuloy sa pagtrabaho ay kakayanin tuparin ang pangarap.

Matiyagang nagtatrabaho ang isang 26-anyos na gasoline boy na si Igue G. Varra. Umani ito ng papuri sa online community matapos nitong ishare ang litrato ng kanyang dream house at ang litrato ng bahay na under construction, sa social media. Makikita na napakaganda at moderno ang disenyo ng bahay na dream house ni Igue.

Ayon sa post nito ang bahay ay mayroong kitchen, terrace, living room, dining area, bathroom at dalawang kwarto. Nagsimula ang pag gawa sa kanyang bahay noong March 3, 2020 na may tatlong karpentero lamang. Masayang masaya umano si Igue dahil matutupad na ang kanyang pinapangarap na bahay.

Makikita sa litrato na buo na ang mga dingding at mga bakal na tumatayong trusses ng bubong. Makikita na rin ang mga paglalagyan ng pinto at ng bintana ng bahay. Masasabi na napakaganda ng progress ng bahay kahit na panahon ng pandemya.

Gumastos na si Igue ng P250,000 para sa pundasyon at dingding, hindi pa kasama ang P50,000 na pinambili ng materyales para sa bubong. Malaking pera na ang nagastos nito ay matagal tagal din nito itong inipon pero kung para naman sa pangarap ay kakayanin ang lahat. Ang bahay na binubuo nito ay hindi lamang para sa kanyang pansarili kundi pati rin sa kanyang pamilya kaya naman ay hindi maitago ni Igue ang pagkasabik na matapos na ang kanyang dream house.

Tunay na nakakabilib ang pagpupursige ni Igue upang makapag-ipon at makabuo ng bahay. Masasabing pinaghirapan niya talaga ito upang makamit ang inaasam asam na pangarap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

KathNiel, may bagong palabas sa Netflix na may kinalaman sa Quarantine Procedures

Pinoy na Tricycle driver, nakapangasawa ng isang napakagandang dayuhan