in ,

KathNiel, may bagong palabas sa Netflix na may kinalaman sa Quarantine Procedures

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Inaabangan ng Kathniel fans ang bagong palabas sa Netflix na may pamagat na “The House Arrest Of Us” at ipapalabas ngayon buwan ng Pebrero.

Source : Starcinema

Mababasa sa synopsis na ito ay istorya ng magkasintahan na balak nang mamanhikan ngunit nang dahil sa pandemya ay napilitang manirahan sa iisang bubong dahil sa quarantine procedures.

Ang ‘House Arrest Of Us’ ay pagbibidahan din ng mga sikat na artista tulad ni Alora Sasam, Anthony Jennings, Arlene Muhlach, Dennis Padilla, Gardo Versoza, Herbert Bautista, Hyubs Azarcon, Riva Quenery at ni Ruffa Guitierrez. Puno ng magagaling na artista kahalo ng mga artistang kilala sa pagpapatawa, ang palabas na ito ay tiyak na kikiliti at magrerepresinta ng pamilyang Pilipino.

Source: Starcinema/Ruffa Guitierrez

Ipinalabas na ang patikim na unang episode nito noong Oktubre 24, 2020 sa KTX.ph at iWantTFC.

Maraming fans at netizens ang sabik na inaatay ang palabas na ito dahil na rin sa tema nito. Tiyak na makakarelate ang pamilyang Pilipino sa story line dahil lahat naman ay dumaan sa quarantine noong isang taon na tumagal ng sobra pa sa 15 days.

Source: Starcinema/ Ruffa Guitierrez

Kilalang kilala ang real life loveteam na si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, hindi lamang dahil sa mga nakakakilig at nakaka-aliw nilang palabas kundi pati na rin sa galing nilang umarte. Namahagi ng relief goods ang pamilya ni Daniel Padilla kasama na rin ang kasintahan na si Kathryn noong dumagsa ang bagyong Ulysses sa Pilipinas. Makikita na matulungin at mapagmahal sa mga Pilipino ang mga ito.

Daniel’s IG

Kaya naman lalong dumarami ang fanbase ng mga ito dahil sa ipinapakita nitong halibawa sa mga kabataan ngayon. Masunurin sa magulang, masipag sa trabaho, mabait na anak, at pagmamahal sa kapwa, ganyan ang halibawa na pinapakita ng KathNiel.

Nagrelease din ng bagong YouTube account si Kathryn Bernardo na dinagsa din ng followers. Ipinapakita niya rito ang iba’t ibang aspeto ng kanyang buhay at mga sneakpeaks sa kanyang mga films.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Anak ng magsasaka na nangangarap lang makapag-aral noon, ay nag-aaral na sa Harvard University ngayon

Gasoline boy na natupad ang pangarap makapagpatayo ng bahay gamit ang kanyang sweldo