in ,

OMGOMG CuteCute

Anak ng magsasaka na nangangarap lang makapag-aral noon, ay nag-aaral na sa Harvard University ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Mapalad ang isang anak ng magsasaka na nangangarap lamang makapag-aral noon pero ngayon ay estudyante na sa Harvard University. Ito ay sa tulong ng isang organisasyong Kristiyano na tumulong sa kanila at nagbigay daan upang makapag-aral ito sa isa sa pinaka prehisteryosong eskwelahan sa buong mundo, ang Harvard University.

Maraming artista, negosyante ay mga pulitiko ang nag-aral sa eskwelahang ito, ang may pinakamaganda ang kalidad ng edukasyon sa buong mundo. Pero pinalad si Romnick Blanco, na anak ng isang magsasaka at nagmula sa Bulacan. Nabigyan ito ng pagkakataon makapagaral dito na tiyak na makakatulong na umunlad ang buhay ng kanyang pamilya.

Pagsasaka ang pangunahing pamumuhay ng kanyang pamilya at pang pito si Romnick sa magkakapatid. Laki man sa hirap ay hindi naman ito naging hadlang upang makapag-aral si Romnick ng elementarya at highschool sa paaralan sa kanilang lugar.

Ang paaralan ay malayo sa kanilang tirahan at kinakailangan niyang maglakad ng malayo at tumawid ng ilog para lamang makapasok sa eskwela. Ganyan ang pagtitiis at pagtitiyaga na ginagawa ni Romnick. Pinagsisikapan niya talagang makapagtapos ng pagaaral upang makatulong sa kanilang pamilya.

Source: Rom Blanco’s IG

Noong 2011, nagpunta sa lugar nila ang Green Earth Heritage Foundation na siya namang tumulong kay Romnick upang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Sa katunayan, sila pa ang nagbigay daan upang makakuha ng scholarship si Romnick sa Harvard University matapos nitong maipasa ang admission test ng eskwelahan.

Source: Rom Blanco FB

At dahil pinagbuti ni Romnick ang pag-aaral niya simula noon, ay nagawa rin niya ipasa ang admission test sa ibang pang eskwelahan abroad tulad nang Darmouth College at Wesleyan University. Mas pinili naman ni Romnick na magaral sa Harvard University.

Source: Rom Blanco FB

Mabuti na lamang at masipag, matiyaga at higit sa lahat ay malaki ang tiwala ni Romnick sa Diyos dahil ito ang mga nagbigay daan sa kanya upang magkaroon ng magandang kapalaran at kinabukasan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Strange vehicles only available in selected places around the world

KathNiel, may bagong palabas sa Netflix na may kinalaman sa Quarantine Procedures