in

Kauna-unahang BL Short Film sa Romblon, aarangkada na ngayong Valentines 2021!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa darating na araw ng mga puso, ay mapapanood na ang kauna-unahang BL o ‘Boys Love’ Short Film sa kasaysayan ng Film Industry ng Romblon. Ito ay pagbibidahan ng mga kilalang personalidad sa Romblon upang maghatid ng kwentong aantig sa inyong mga puso.

Ang ‘By Your Side’ ay kwento ng isang lalake at isang bading na nakatagpo ng pagmamahal sa piling ng isa’t-isa. Ang ‘By Your Side’ ay magbubukas ng mas malalim na pagsusuri sa LGBTQ community. Ang kwentong ito ay isinulat at directed by John Aries Bejer na isang sikat na vlogger sa Romblon.

Source: John Aries C. Bejer

Gaganap bilang Francis si Aj Lorena, na isang sikat na Tiktok influencer at ang kanyang katambal ay si Architect Ian Familara na kilalang arkitekto sa Romblon. Kasama rin sa cast ang tanyag na skater at mixed martial artist na si Jason Rivera na gaganap bilang si Carl, at si Allen Salvador bilang Tricia.

Source : TAD Facebook Page
Source: TAD Facebook Page
Source: TAD Facebook Page
Source: TAD Facebook Page

Ang film na ito ay hango sa isang true story. Ayon kay John Aries Bejer na siyang nagsulat nito, “Actually, ‘By Your Side’ is inspired by true stories, especially my story, kaya very personal itong film na ‘to sa ‘kin.”

Ang palabas na ‘Your Name Engraved Herein’ ang siyang naging inspirasyon ni Aries upang gumawa ng pelikulang Romblomanon. Aniya, “Naisip ko, ‘Bakit di ko kaya bigyan ang mga Romblomanon ng isang BL film since sikat na sikat naman ngayon ang mga BL stories.” Nagmula ang BL love stories sa Japan at dahil sa marami ang nabighani sa mga pelikulang BL ay mabilis itong kumalat sa Asia, Taiwan at Thailand.

Hinahangad din ni Aries na pagandahin ang kalidad ng pelikula ng Film Industry sa Romblon. Aniya, “Gusto ko rin talagang itaas ang kalidad ng sining nang pagpepelikula sa probinsya ng Romblon kasi alam kong kaya naman natin talaga.”

“May magagaling tayong artists and cinematographers, ang kulang lang talaga ay initiative to do it, and we’re very thankful kasi we have different media partners na tutulungan kaming ipromote ang film…” dagdag ni Aries. Ayon din rito, may mga nagbahagi ng financial assistance upang masuportahan ang kauna-unahang BL film ng Romblon, at kabilang na dito ang LGU Odiongan.

Source: John Aries C. Bejer

Hindi naman maitago ang excitement ng mga Romblomanon para sa upcoming movie na ito, lalo na’t maibibida rito ang aking talento sa sining at pelikula ng mga taga Romblon.

Source : TAD Facebook Page

Mapapanood ang ‘By Your Side’ sa February 14, 2021 sa Facebook page ng TAD at ipapalabas rin sa Star Cable Community Channel 9. May gaganapin din film screening sa Avisa Resort at Villa M sa February 14.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang empleyado ng ahensiya ng DPWH ay nagsauli ng napulot na Php 360,000 na pera

Strange vehicles only available in selected places around the world