in , ,

LoveLove

Filipina-owned bakery, has the most delectable Filipino-flavor doughnuts in New York

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang bakery sa New York, Kora Doughnuts, ang kasalukuyang na sumisikat dahil sa masarap nitong Filipino-flavored doughnuts. Ang kanyang negosyo ay mayroong 800-person waitlist! Kaya naman pati ang mga mamimili na gusto lamang subukan ang masarap na doughnuts ay talagang nagtitiyaga din mag antay sa waitlist nito.

Kimberly Camara Instagram

Ayon sa may-ari na si Kimberly Camara, ang kanyang tindahan ay ipinangalan niya sa kanyang yumaong lola na si lola Corazon, noong January.

Si Kimberly ay dating commis chef sa Eleven Madison Park sa New York City ngunit nang dahil sa pandemya ay nawalan siya ng trabaho. Hindi naman nagpatalo ang Pilipina sa depresyon at itinayo ang Kora Dougnuts noong July 2020 lamang.

Kimberly Camara Instagram

Ang mga doughnuts nito ay may makabagong disenyo at ang mga flavor nito ay taktak Pinoy. Tulad na lamang ng halo-halo doughnut na agad agad pumatok sa kanyang mamimili.

Kimberly Camara Instagram

Mayroon ding Ube glaze, leche flan, pinipig, banana chip, coconut cream, brioche, maraschino cherry at sago flavored doughnuts. Pangalan pa lamang ay tiyak may ideya ka na sa sarap ng doughnuts na ito.

Mayroon ding bagong release na flavor na, champorado doughnut, na ang inspirasyon ni Kimberly ay ang kanyang lola na niluluto sa kanya ang champorado noong bata pa siya.

Kimberly Camara Instagram
Kimberly Camara Instagram

Aniya, “Stepping inside after playing in the snow, nippy-nosed and hungry, nothing compared to a stewed, steaming hot bowl with all the sticky sweetened condensed milk a little girl could ask for.” Ang champorado doughnut ay gawa sa chocolate brioche, champorado filling, puffed rice tuile, whipped ganache, cocoa powder, cacao nid, and DIY salted condensed milk drizzle.

Kimberly Camara Instagram

At dahil ngayong pandemya ay napag-isipan ni Kimberly na mag-open ng waitlist para bigyan ang mga first time na mamimili ng pagkakataon na matikman ang kanyang mga doughnuts.

Nilimitahan ni Kimberly ang mga order ng sampung doughnuts. Ang kanyang waitlist ay umabot sa 800 na customers.

Kimberly Camara Instagram

Isang aksidente lamang umano ay pagkakaimbento niya ng kanyang ube doughnut. Nagkataon na mayroong siyang natirang brioche dough at ube filling galing sa cake na kanyang ginawa para sa kaibigan.

Kimberly Camara Instagram

Kaysa itapon ito ay naisipang niyang gumawa na lamang ng doughnut at matapos tikman ito ay naisipang niyang magbenta nito. Dahil naman sa kanyang creativity ay nagawan niya ng iba’t ibang pinoy flavors ang kanyang doughnut. At doon nga ay nagbukas siya ng Instagram account kung saan ay binebenta niya ang kanya mga paninda.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang ama nakapagpatapos ng 8 anak dahil sa pagkayod sa pagsasaka

Dahil Pursigido sa Pag-aaral, ang Dating Janitor at Panadero na ito ay Nakapagtapos bilang Summa Cum Laude