in

Dahil Pursigido sa Pag-aaral, ang Dating Janitor at Panadero na ito ay Nakapagtapos bilang Summa Cum Laude

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tiyak na lalapitan ng swerte ang taong masipag, tulad na lamang ng 27 taong gulang na si Abzonie Reno na dumaan na sa iba’t ibang trabaho at ngayo’y nakapagtapos ng pagaaral at nakamit ang karangalan bilang summa cum laude sa kanilang paaralan.

Tiyaga, sipag at determinasyon ang mga naging sandata ni Reno sa buhay. Nakapagtrabaho na ito bilang factory worker, security guard, panadero at janitor. Sino ba ang magaakala na ang isang janitor ay magtatagumpay bilang Summa Cum Laude?

Source: ABS-CBN News

Tunay na kamangha mangha ang galing na ipinamalas ni Reno at hindi ito ipinalampas ng mga netizens. Marami rito ay bilib na bilib sa kanya at ginawang inspirasyon ang pagpupursige nito sa kabila ng hirap ng buhay.

Source: ABS-CBN News

Natapos ni Reno ang kursong Bachelor of Science and Secondary education, Major in Math sa Caraga State University. Aniya, Si Reno pa lamang umano ang kauna-unahang Summa Cum Laude ng unibersidad sa nasabing kurso.

Ikinuwento naman ni Reno ang dahilan bakit mas pinili nitong magtrabaho kaysa tapusin ang pagaaral. Dahil sa kagustuhan nitong tumulong na mapabuti ang buhay ng pamilya sa Butuan City, ay nagpunta ito ng Maynila upang magtrabaho.

Source : Reno’s FB


Pitong taong itinigil ni Reno ang kanyang pagaaral at inuna ang kapakanan ng kanyang pamilya. Marami ang dinanas na pagsubok ni Reno nang matapos niya ang highschool.

Una siyang nagtrabaho bilang factory worker. Kadalang sa ganitong trabaho ay binabayaran ang dami nang natapos mong trabaho, kaya’t kailangan ay mabilis kang kumilos. Sumunod naman ay naging panadero siya at matapos iyon ay naging security guard siya sa isang pribadong paaralan. Namasukan rin siyang houseboy at sa isang banda ng buhay niya ay naging janitor rin siya.

Source : Reno’s FB

Samu’t saring pagsubok, paghihirap at pagtitiis ang dinanas ni Reno para lamang may maipadala siya sa kanyang pamilya. Iniwan sila ng kanilang ama at ang ina naman nito ay nagtatrabaho bilang labandera sa kanilang lugar.

Source: Reno’s FB

Taong 2015, nang nagpasya si Reno na umuwi sa kanila at maghanap ng scholarship. Kahit na pitong taong ang nakalipas ay hindi sumuko si Reno na makapagtapos ng pagaaral.

Malapit man ang edad niya sa trenta ay hindi ito naging hadlang upang hindi ipagpabuti ang pagaaral. Sa halip, ay ginamit pa niya ito upang ma enganyo at mag pursige ang kanyang mga kaklase. Pinaplano naman ni Reno na magpatuloy pa at kunin ang kanyang Master’s Degree upang balang araw ay maging isang ganap na guro.

Source: Reno’s FB

Kasama na rin sa bunga ng kanyang pagsisikap ay nakapagpatayo ng bahay si Reno para sa kanyang pamilya. Ginamit niya ang naipong allowance mula sa kanya scholarship upang makapagpagawa ng bahay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Filipina-owned bakery, has the most delectable Filipino-flavor doughnuts in New York

Isang empleyado ng ahensiya ng DPWH ay nagsauli ng napulot na Php 360,000 na pera