in

OMGOMG

Mga Sikat na Eskwelahan sa Pilipinas na para sa mga Mayayaman

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bawat isa sa atin ay nangangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Katumbas kase nito ang magandang kinabukasan at daan patungo sa propesyon na pinapangarap. Mayroong mga eskwelahan na pawang para sa mga matataas ang estado sa buhay. Narito ang ilan sa mga ito.

  1. De La Salle Santiago Zobel School (DLSZ)

Ang eskwelahan na ito ay matatagpuan sa Ayala Alabang. Ito ay pribadong Catholic school na may pre-school, elementary, highschool at college. Ang tuition fee dito ay hindi bababa ng P100,000.

  1. Colegio San Agustin (CSA) Makati

Ang co-ed school na ito ay matatagpuan sa Makati. Ito ay isang pribadong Catholic school na itinayo ng mga paring taga-sunod ni San Agustin. Ang tuition fee dito ay umaabot ng P107,000 kada taon.

  1. Ateneo de Manila University (ADMU)

Ang paaralan na ito ay matatagpuan sa Katipunan, Quezon City. Maliban sa mga college degrees na inooffer rito ay mayroon ding grade school dito, Junior Highschool at Senior Highscool. Ang tuition fee dito ay umaabot ng P130,000.

  1. Xavier School (XS)

Ang eskwelahan na ito ay para sa mga lalaking estudyante lamang. Ito ay matatagpuan sa Xavier street, Greenhills, San Juan. Mayroon mandatory Chinese language program dito. Ang tuition fee rito ay P170,000 sa isang taon.

  1. La Salle Green Hills

Ang eskwelahan na ito ay matatagpuan sa Ortigas Avenue, Mandaluyong. Mayroong elementary, junior highschool at senior highschool dito. Ang tuition fee rito ay P103,000 kada taon.

  1. Reedley International School

Ang eskwelahan na ito ay matatagpuan sa Pasig City. Ang tuition fee rito ay P170,000 kada taon.

  1. Southville International School and Colleges

Ang paaralan na ito ay matatagpuan sa Las Pinas, Metro Manila. Ang tuition fee rito ay P200,000 para sa gradeschool at mas mataas para naman sa Highschool.

  1. British School Manila (BSM)

Ang eskwelahan na ito ay international private school na makikita sa Bonifacio Global City sa Taguig. Ang tuition fee rito at P400,700 kada taon para sa grade 10.

  1. International School Manila (ISM)

Matatagpuan ang eskwelahan na ito sa Bonifacio Global City Taguig. Ito ay isang co-ed school na may antas mula pre-school hanggang senior highschool. Ang tuition fee rito ay P450,600 kada taon.

  1. Brent International School

Ang paaralan na ito ay isang international boarding school at ang pinaka sikat na eskwelahan sa bansa. Ang tuition fee rito ay nagkakahalaga ng P402,000 kada taon para sa Grade 6-12.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Pinoy Surfer na nakatagpo ng forever sa isang napakagandang foreigner

Isang ama nakapagpatapos ng 8 anak dahil sa pagkayod sa pagsasaka