in

LoveLove

Pinoy Surfer na nakatagpo ng forever sa isang napakagandang foreigner

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa lupain kung saan sikat na sport ang surfing, sa Siargao, ay sumikat ang isang Pinoy surfer dahil sa galing nito sa sport na ito. Ngunit para sa karamihan, mas nakilala siya dahil sa kanyang love story sa isang napakagandang foreigner. Isama pa ang napakaganda nilang anak na kasama ring hinahangaan ng mga netizens.

Kilalanin si John Mark Tokong, na sumikat sa larangan ng surfing. Lingid man sa kaalaman ng iba, marami ang napanalunan niyang kompetisyon na siyang kinahangaan ng mga Pilipino at pari na rin ng mga dayuhan sa buong mundo.

Source : Surfsiargao

Nakakapag-uwi rin ng medalya si Tokong sa mga International competition, katulad na lamang ng pagkapanalo niya sa South East Asian Games (SEA Games) para sa kategoryang “men’s shortboard event” noong 2019. Bukod pa rito ay nakatamo rin siya ng first place noong 2015 sa Men’s Qualifying Series sa Siargao.

Napakaswerte rin nito dahil natagpuan na niya ang kanyang “the one” sa isang napakagandang Australian na si Danni Hughes. Marami ang kinilig at humanga sa kanilang pagiibigan lalo na’t dayuhan ang dalaga. Maganda rin ang setting ng kasalan nila na siyang naging inspirasyon ng ibang kababaihan.

Lumaki sa Surigao del Norte si Tokong at rito na niya nakilala si Danni. Marami ang nakapansin sa mala-Diyosang kagandahan ni Danni ngunit para sa kaalaman ng lahat, long-time girlfriend na pala umano ni Tokong si Danni.

Para sa kaniya, ay si Tokong na umano ang pinakaguwapong lalaki sa kaniyang paningin. Plus points na rin ang busilak at mabuti nitong puso. Madalas nya rin mapangiti si Danni na para bang kahit anong pagsubok ay kaya nilang lampasan nang magkasama. Nagviral ang kwento ng dalawang magirog nang maipost sa social media ang kanilang pagiisang dibdib.

Mapapasana-all ka na lang sa tamis ng kanilang mga ngiti at mga litrato na siyang pruweba ng kanilang wagas na pagmamahalan. Pag sapit ng 2020 ay ikinasal rin ang dalawa, kasama ang kanilang napakakyut na anak.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang sikat na teen star noon, iniwan ang pag-aartista upang maging isang doktor ngayon

Mga Sikat na Eskwelahan sa Pilipinas na para sa mga Mayayaman