in

LoveLove

Isang sikat na teen star noon, iniwan ang pag-aartista upang maging isang doktor ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Naaalala niyo pa ba ang teen series na ‘Luv U’? Ang Kapamilya show na ito ay naipalabas noong 2012 at naitampok ang mga sikat na teen star noon.

Ito ang mga karakter na ginampanan nina Miles Ocampo, Kiray Celis, CJ Navato, Igi Boy Flores, Rhap Salazar, Angeli Gonzales, ito ang kwento ng kanilang tunay na pagkakaibigan. Dito nagsimula ang kanilang kasikatan bilang mga batang artista.

Kaya noong 2016 ay nagtapos ang kanilang teleserye. Ang karamihan sa kanila ay nagkaroon naman ng magkakahiwalay na proyekto. Ang iba sa kanila ay nanatili sa industriya ng showbiz samantalang ang iba naman sa kanila ay pinili ang kanilang pangarap.

Kagaya na lamang ni Angeli Gonzales, na imbis na ituloy ang kaniyang karera sa mundong showbiz ay mas piniling maabot ang kaniyang pangarap.

Nagdesisyon na lamang itong magfocus sa kaniyang pag-aaral dahil na rin sa kagustuhan niyang maging isang doktor. Iniwan niya ang pag-aartista upang maabot niya ang kaniyang pangarap. Napagtanto kasi ni Angeli na ang pag-aartista ay hindi niya talaga kapalaran. Dahil sa pagsunod niya sa kaniyang pangarap ngayon lamang na nakalipas na taon ay nairaos ni Angelia ng kaniyang pag-aaral ng medisina.

Ibinahagi niya sa kaniyang Instagram, ang kaniyang naging tagumpay. Lubos na nagagalak si Angeli na ngayon ay isa na siyang magiging ganap na doktor. Ang kaniyang mga tagahanga ay nagulat din sa kaniyang naging desisyon, ngunit masaya siyang ibinahagi ang kaniyang naging kwento kung bakit sinunod niya ang sinasabi ng kaniyang puso.

Ayon sa kaniya naging mahirap para sa kaniya na pagsabayin ang pag-aartista at ang kaniyang pag-aaral. Kaya nagdesisyon siya na magfocus na muna sa pag-aaral para makamit niya ang kaniyang pangarap na maging isang doktor kaya binitiwan niya ang pag-aartista. Lubos din naman siyang nagpapasalamat sa lahat ng naging katrabaho niya sa showbiz na talagang sumuporta pa rin sa kaniya upang maabot niya ang kaniyang pangarap.

Kaya ngayon si Angeli ay isa nang lisensiyadong doktor. Sa kabila ng pag-iwan niya sa kaniyang pag-aartista andyan pa rin naman ang kaniyang pamilya at mga tagahanga na walang sawang sumusuporta sa kaniyang mga pangarap. Mula sa pagiging isang teen star siya ngayon ay isa ng doktor.

Nawa’y maging inspirasyon ang kaniyang kwento kung paano siya nagsumikap upang maabot niya ang kung anuman ang kaniyang narating ngayon.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

52 years old na Ina, napagkamalan pang nobya ng kanyang anak dahil sa bata nitong hitsura

Pinoy Surfer na nakatagpo ng forever sa isang napakagandang foreigner