in ,

CuteCute LoveLove OMGOMG LOLLOL WTFWTF CryCry AngryAngry

Kilalanin ang ina ni Inigo Pascual na si Donna Lazaro

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilalang-kilala si Piolo Pascual sa mundo ng showbiz. Sa dami ng pelikula at palabas na pinagbidahan nito, ay matatawag nang veterano ang aktor pagdating sa pag-arte. ‘Papa P’ kung tawagin ng karamihan kabilang na ang fans, si Piolo ay isang ganap na ama at pinakilala niya ang anak niya sa industriya ng showbiz. Subalit, sino nga ba ang ina nito? Heto at kilalalin siya.

Mas pinili ni Piolo na hindi isa publiko at panatilihing pribado ang buhay ng kanyang mag-ina sa Amerika.

Kaya naman ay marami ang nagulat nang ipakilala ni Piolo ang anak nito sa publiko ng isang ganap na binata na. Hindi naman maipagkakaila na anak nga si Inigo ng Philippine Heartthrob dahil malaki ang pagkakahawig ng dalawa.

Ipinanganak si Inigo Pascual noong Setyembre 14, 1997 at lumaki sa Amerika kasama ang kanyang ina na si Donnabelle Lazaro. Siya ang dating girlfriend ni Piolo Pascual at ang nagpalaki kay Inigo abroad. Di tulad ni Piolo at Inigo, mas pinipili ni Donna maging pribado sa kanyang buhay.

Sa halip ay sinusuportahan niya ang anak na si Inigo sa pagabot nito sa mga pangarap nito. Nagpakita si Donna sa isang interview sa “Magandang Buhay” at doon ikinuwento ang pagtayo nito bilang ina kay Inigo.

Source : PhilNews

Kilala si Inigo ngayon bilang isang magaling na singer ngunit ayon sa ina nito ay hindi raw talagang magaling kumanta si Inigo noon. Aniya, “Noong bata pa, hindi talaga magaling pero mahilig kumanta. Sumasali siya sa singing sa grade school. Tinawagan ako ng teacher niya na panoorin ko raw, kasi sumali sa singing contest.”

Dagdag pa ni Donna, “Nagulat ako kasi hindi siya ganun kagaling kumanta, pero very confident siyang sumali. So, noong after ng contest na ‘yon, naawa ako sa kanya pero hindi ko ipinakita, kasi alam ko hindi siya magaling. So, pag-uwi naming noon ay ine-enroll ko siya sa voice lesson.”

Source: Inigo Pascual IG

Ipinahayag din ni Donna na todo siya kung sumuporta sa mga pangarap ni Inigo, kaya nang nagdesisyon ang binata na umuwi sa Pilipinas upang umpisahan ang karera nito rito, ay sumangayon ito. Aniya, “Kasi from the start, lahat ng ginagawa niya sinu-support ko, go ako. I’m here Inigo para i-cheer ka. So, ganun pa rin alam mon a nandiyan pa rin lagi si mommy, kahit 21 ka na.”

Lubos naman nagpasalamat si Inigo sa pagsupporta sa kaniya ng kanyang mga magulang sa lahat ng paraan na kaya ng mga ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nawala na ang pagiging maangas ni Baron Geisler, simula nung siya ay naging isang ama

52 years old na Ina, napagkamalan pang nobya ng kanyang anak dahil sa bata nitong hitsura