in

LoveLove

TINGNAN: Ang dalawang taong ito na nakahanap ng ‘forever’ sa kabila ng kanilang edad dahil sa online dating app

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Minsan sa buhay ng tao naghahanap tayo ng taong makakasama natin sa panghabang-buhay. Ito ang taong magbibigay sa atin ng kaligayahan sa araw-araw. Ito rin ang taong nagbibigay ng liwanag sa ating mundo na minsan ay nagiging madilim. Sa panahon ngayon, nauuso ang social media lahat na yata ng tao mapa bata man o matanda ay may access na sa mga social platform sa internet. Ang isang nauuso dito ay ang tinatawag na online dating.

Ito ang isang application sa internet kung saan makakahanap ang isang tao ng kaniyang makaka-date upang magkaroon ng chance na makahanap siya ng kaniyang makakasama sa habang-buhay. Ito ang magiging daan upang makahanap muli ng bagong pag-ibig. Kagaya na lamang ng dalawang balong nag-viral sa social media dahil natagpuan nila ang kanilang pag-iibigan sa online dating na ito.

Ang dalawang taong ito ay sina Wines Logenio 58 na taong gulang at Rose Calacday 61 na taong gulang. Ang kwento ng kanilang pag-iibigan ay nagsimula lamang dahil sa kanilang mga naging kasosyo noon na pareho silang niyaya sa online dating.

Source: GMA News Online

Ayon kay Tatay Wines na-inlove at first sight daw siya kay Nanay Rose matapos makita ang profile picture nito sa online dating. Hanggang nagsimula na ang kanilang komunikasyon sa online. Ayon sa dalawa, pareho daw silang nasisiyahan kapag kausap nila ang isa’t isa, kaya hindi mapigilan na tanungin ni Tatay Wines si Nanay Rose na kung pwede na silang magkita personal.

Noong una nag-dadalawang isip si Nanay Rose, dahil marahil walang pang isang taon ang pagkamatay ng kaniyang asawa. Dahil na rin siguro sa nahuhulog na ang loob niya kay Tatay Wines kaya nakumbinsi itong maki-pagkita. Hanggang sa umuwi ng Pilipinas si Tatay Wines upang magkakilala na sila ng tuluyan ni Nanay Rose. Ang kanilang pag-iibigan ay nagkaroon ng katuparan pagkalipas ng 3 buwan.

Source: GMA News Online
Source : GMA News Online

Ayon kay Tatay Wines, lahat na daw ng katangian na hinahanap niya sa babae ay na kay Nanay Rose kagaya na lamang ng pagiging maasikaso nito at pagiging maaalahanin. Kahit daw nagagalit si Nanay Rose ay ipinagluluto pa rin siya ng pagkain. Siyempre hindi naman lahat ng relasyon ay perpekto dumaan rin sila sa mga pagsubok katulad na lamang ng pagiging babaero ni Tatay Wines kaya dumating din talaga sa puntong sila ay naghiwalay.

Source: GMA News Online

Kaya nung naghiwalay sila ay nagdesisyon na lamang na bumalik ng ibang bansa si Tatay Wines upang magtrabaho muli. Ngunit hindi niya pa rin makalimutan at maiwaksi sa kaniyang puso ang kaniyang pagmamahal kay Nanay Rose kung kaya’t sinuyo niya itong muli upang sila ay magkaayos. Dahil na rin sa pagmamahal sa kaniya ni Nanay Rose siya ay pinatawad nito at hanggang sa nagdesisyon na lamang sila na mamuhay ng tuluyan ng magkasama at magpakasal balang araw.

Ang kanilang pag-iibigan ay hindi mala-cinderella o kahit anong mala-pantasiyang kwento, ngunit sila ay naging inspirasyon ng marami dahil hindi pa naging huli ang lahat upang makahanap sila ng kanilang tunay na pag-ibig.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ang nakakamanghang kagandahan ni Mayor Donya Tesoro, ay usap-usapan ngayon sa social media

Nawala na ang pagiging maangas ni Baron Geisler, simula nung siya ay naging isang ama