in ,

LoveLove

Nawala na ang pagiging maangas ni Baron Geisler, simula nung siya ay naging isang ama

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilala si Baron Geisler dahil sa kaniyang matapang na personalidad. Mga samut’saring mga isyu ang ibinabato sa kaniya. Ngunit ngayon nagkaroon na ng pagkakataong magbago si Baron dahil ngayon siya ay isa ng ama.

Baron Geisler IG

Ibinahagi ni Baron, sa kaniyang entertainment press noong January 15 para sa welcome presscon ng Viva Artists para sa bagong contract star ng talent management agency ng Viva Entertainment. Ayon sa kaniya, lumambot ang personalidad niya na pagiging matigas at maangas nung siya ay nagsimulang magkaroon ng pamilya.

Dagdag pa niya, kung ang pamilya na niya ang nangangailangan ng kaniyang angas doon na lamang niya ito ipapakita. Para sa kaniya, mas mahalaga ang pagbabanat niya ng buto para sa kaniyang pamilya, at umiiwas na siya sa gulo.

Baron Geisler IG

Ibinahagi rin Baron sa kaniyang Instagram ang larawan ng 1st birthday celebration ng kaniyang anak na si Baby Tali noong January 20. Para kay Baron malaki na rin ang kaniyang pinabago simula nung siya ay nagbalik loob ng pananampalataya sa Diyos. Mas madalas na siyang makipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng taimtim na panalangin.

Baron Geisler IG

Sa kaniyang pagbabagong buhay ay lagi niyang ipinagdarasal ang mga darating pang mga proyekto para sa kaniya upang maitaguyod niya ang kaniyang pamilya. May mga nagbukas ng oppurtunidad para sa kaniya kung kaya’t ito ay kaniyang inaalagaan para na rin sa kaniyang pamilya. Dagdag pa niya, malaki ang naidulot na maganda sa kaniya ang pandemiyang nangyayari dahil natuto siyang maging disiplinado, maging compassionate sa kaniyang trabaho, at higit sa lahat palagi niyang top priority ang kaniyang pamilya.

Baron Geisler IG

Kaya pinili talaga ni Baron ang magbagong buhay dahil na rin sa anak niyang si Baby Tali. Natuto na rin siyang pahalagahan ang kaniyang trabaho dahil ito ang pinang-susuporta niya sa kaniyang anak. Ayaw ni Baron na maapektuhan ang kaniyang anak kung siya ay magiging pabayang ama. Gusto lang naman niyang lumaking maayos at magkaroon magandang kinabukasan ang kaniyang anak.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

TINGNAN: Ang dalawang taong ito na nakahanap ng ‘forever’ sa kabila ng kanilang edad dahil sa online dating app

Kilalanin ang ina ni Inigo Pascual na si Donna Lazaro