in

Ang nakakamanghang kagandahan ni Mayor Donya Tesoro, ay usap-usapan ngayon sa social media

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Naipapakilala na ngayon ang mga bagong sumasabak sa politiko ng batang-bata pa. Marahil na rin sa kanilang angking galing at talino kaya rin sila ay karapat-dapat. Viral ngayon sa social media ang batang-bata pa alkalde ng San Manuel, Tarlac City.

Source: Mayor Donya Tesoro IG

Siya ay si Mayor Donya Tesoro ang napakagandang alkalde ng San Manuel, Tarlac. Sa edad na 28 na taong gulang siya na ay isang public servant. Siya ay nakapag-tapos ng kursong Communications sa Miriam College at ginusto niyang maging isang journalist.

Source: Mayor Donya Tesoro IG

Maraming mga netizens ang napahanga dahil sa kaniyang kagandahan ng maibahagi niya sa kaniyang Instagram ang kaniyang larawan. Hindi lang ang kaniyang kagandahan ang nagpamangha sa mga netizens pati na rin ang pagiging good public servant nito. Dahil napaka-aktibo nito sa kaniyang mga program para sa kanilang bayan sa Tarlac.

Source : Mayor Donya Tesoro IG

Siya ay nakapa-hands-on sa kaniyang mga plataporma para sa kaniyang mga kababayan. Nakikita sa kaniya na nag-eenjoy siya sa kaniyang ginagawa bilang isang alkalde. Ibinabahagi niya lagi sa kaniyang Instagram, ang kaniyang mga ginagawa na mga aksiyon hingil sa pagpapatakbo niya ng kaniyang mga gawain para sa kaniyang bayan. Si Mayor Donya ay galing na mismo sa angkan ng mga politiko dahil siya ang anak ng Vice Mayor ng San Juan, Tarlac.

Source : Mayor Donya Tesoro IG

Ayon sa kaniya, hindi naging madali ang pagpasok niya sa politika. Dahil iniisip niya na napaka-bata pa niya para maging bahagi sa isang political dynasty. Dagdag pa niya, baka isipin ng mga tao na mahina siya at hindi kayang magpatakbo ng isang bayan dahil siya isang babae. Nag-aalala lamang siya na baka idiscriminate siya dahil isa lamang siyang babae na mahina ang loob at baka walang maimbag sa lipunan.

Source: Mayor Donya Tesoro IG

Ngunit ayon din naman sa kaniya, marahil ang naging malaking tulong sa kaniyang pagkapanalo ay ang social media dahil marami siyang mga followers dito. Ang mga pinopost niyang mga larawan ang nagpapakilala sa kaniya sa mga tao at upang lubos pa siyang makilala. Bago siya naging isang alkalde, siya ay naging konsehal muna ng kanilang bayan.

Source : Mayor Donya Tesoro IG

Kaya marami tuloy ang nagsasabing halos wala silang pinagkaiba ni Mayor Vico Sotto. Dahil dito maraming mga netizens ang nagbibigay ng kanilang mga komento na bagay daw sila ni Mayor Donya.

Source: Mayor Donya Tesoro IG

Ang pagiging isang pinuno ay hindi nagiging basehan ang edad, mas nagiging basehan ang magandang resultang ipinapakita ng sariling bayang pinaglilingkuran. Sila ang mga pinunong hindi hadlang ang edad upang magampanan ang kanilang adhikain para sa kanilang bayan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Pinoy celebs na iniwan ang showbiz at pinili ang ibang career

TINGNAN: Ang dalawang taong ito na nakahanap ng ‘forever’ sa kabila ng kanilang edad dahil sa online dating app