in ,

Pinoy celebs na iniwan ang showbiz at pinili ang ibang career

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tunay na nakakapagod ang buhay sa showbiz. Maliban sa kakainin nito ang oras mo, ay madalas ring ibabalita ang pribadong buhay mo. Kaya naman ang iba ay mas pinili na iwan ang spotlight at lumipat sa ibang karera. Narito ang 11 sa kanila na masayang masaya ngayon sa trabahong pinili nila.

  1. Kim Delos Santos

Siya ang dating ka-love team ni Dino Guevarra at kabilang sa youth oriented show na T.G.I.S. Siya ay nagtatrabaho ngayon bilang dialysis nurse sa New Jersey, USA.

Source: GMA Entertainment
  1. CJ Muere

Kabilang sa Startruck season 2 si CJ Muere noon at hinirang na First Prince. Ngayon ay isang ganap na dentista na siya.

  1. Serena Dalrymple

Kilalang child star na si Serena dahil sa mga hit nitong pelikula, ngayon ay isang manager, procurement COE sa Viacom.

Source : Google
  1. RR Herera

Kilala din siya bilang childstar at nakatanggap ng award bilang Best Child Performer noong 1988 Metro Manila Film Festival at 1989 FAMAS. Ngayon ay isa siyang motivational speaker sa isang training company.

Source: Google
  1. LA Lopez

Kilala ding child actor at singer, si LA ay isa na ngayong Christian Pastor.

Source : Google
  1. Tom Taus

Ang sikat na pelikulang Prince Cedie noon 1996 ay pinagbidahan ni Tom Taus. Dati rin itong child star na madalas makita on screen. Isa naman na siyang Disc Jockey ngayon.

Source: Pinterest

  1. January Isaac

Kung mapapansin nyong pamilya ang kanyang mukha, si January ang kilalang si ‘Lumen’ sa series ng commercial ng surf. Siya ay nagtatabraho ngayon sa Amerika sa Cabellas, na isang equipment store, bilang Front End Lead.

Source : Google
  1. Dindin Llanera

Si Dindin ang cute na cute na finalist noon sa Little Miss Philippines na isang segment sa Eat Bulaga. Siya ay isa na ngayong Corporate Responsibilities Associate sa PTT Philippines Corporation.

Source : Google
  1. Chantal Umali

Isang kapuso actress na si Chantal Umali ay nagsimula sa pag kuha ng roles sa mga commercial hanggang sa naging ganap na Kapuso actress. Isa naman na siyang yoga ambassador ngayon.

Source : Google
  1. Nancy Castiglione

Si Nancy Castiglione ay isang kapuso actress na gumanap noon bilang isa sa mga karakter sa hit TV show na Mulawin. Ngayon ay isa na siyang Business Development Manager sa Sharp Insurance.

Source : Google
  1. Red Sternberg

Isa din si Red Sternberg sa mga orihinal na artista na kasama sa palabas na T.G.I.S. Nagyon naman ay isa na siyang Corporate Director ng Housekeeping by The Sea Resorts Inc.

Source : Pinterest

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Elementary Graduate na sa isang private school ang batang parking boy noon na nagsauli ng napulot niyang pera

Ang nakakamanghang kagandahan ni Mayor Donya Tesoro, ay usap-usapan ngayon sa social media