in

Elementary Graduate na sa isang private school ang batang parking boy noon na nagsauli ng napulot niyang pera

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Naalala pa kaya natin ang batang parking boy noon na naging matapat sa kabila ng kaniyang kahirapan niya sa buhay. Hindi naging madali para sa kaniya ang buhay dahil natuto siyang kumayod upang matustusan lamang ang sarili. Kaya ang kaniyang pagsusumikap at paggawa ng kabutihan sa kapwa ay natumbasan ng isang tagumpay sa buhay.

Ang batang parking boy na si Andrey Macabuhay ay naging inspirasyon ng maraming netizens dahil sa kaniyang naging katapatan. Dahil sa pagsauli niya ng napulot niyang Php7,000 ay umani siya ng magagandang papuri.

Ang kwento ni Andrey ay unang ibinahagi ng mismong may-ari ng perang kaniyang napulot. Ayon kay Dindo Lorenzo, nawala niya ang kaniyang pera sa isang fast food chain at laking gulat niya ng maibalik ito sa kaniya ng isang batang parking boy. Kung kaya’t ibinahagi niya ito sa social media upang maipakita ang katapatan ni Andrey.

Kaya dahil dito malaki ang sorpresang ibinigay sa kaniya ni Dindo bilang kaniyang gantimpala, binigyan niya si Andrey ng pinansiyal na supporta bilang kaniya na ring tulong. Bukod pa rito, ginawaran si Andrey ng Immaculate Concepcion upang makapag-aral ito hanggang kolehiyo na may libreng allowance,uniporme niya sa paaralan at panggastos niya sa kaniyang mga gagamiting libro.

Source : Dindo Lorenzo

Ang paaralan na pinapasukan ni Andrey ay lubos na humanga sa kaniyang naging katapatan at naging isang mabuting halimbawa siya sa kanilang paaralan. Kaya ipinangako niya sa kaniyang sarili na siya ay magtatapos ng pag-aaral upang maiahon niya ang kaniyang pamilya sa kahirapan. Kaya makalipas ang taon si Andrey ay nakapagtapos na ng elementarya nakamit niya ang kaniyang unang hakbang sa pagbuo ng kaniyang mga pangarap.

Ibininahagi naman ng netizen na si Neil Mateo ang nakaka-inspired na kwento ni Andrey. Ayon kay Neil, tinagurian niyang “Honest Kid” si Andrey dahil sa naging mabuting gawain nito na sa kabila ng kanilang kahirapan sa buhay ay hindi niya nagawang gamitin ang perang kaniyang napulot.

Kaya ang mga netizens naging inspirasyon siya dahil sa kaniya na ring murang edad na mulat sa kahirapan ay nanatiling mabait at matapat na bata.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Jeepney Driver, matiyagang nagbabasa ng bibliya habang nag-aantay ng kaniyang mga pasahero

Pinoy celebs na iniwan ang showbiz at pinili ang ibang career