in

Isang Jeepney Driver, matiyagang nagbabasa ng bibliya habang nag-aantay ng kaniyang mga pasahero

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang mundo ngayon ay nababalutan ng mga pagsubok sa buhay na dinaranas ng maraming tao. Sa mga panahong ganito, ang pagtitiwala sa maykapal ang ating sinasandalan. May mga tao pa rin na may panahong magdasal upang magmuni-muni ng kanilang mga sarili.

Source : Maye Alojado

Kagaya na lamang ng jeepney driver na nag-viral sa social media ngayon dahil sa kaniyang paglalaan ng oras upang magbasa ng bibliya at manalangin. Ayon sa netizen na si Maye Alojado na siyang nagbahagi ng larawan ng driver sa social media.

Ayon kay Maye, pauwi na siya galing ng SM at sumakay siya ng jeep habang siya ay nag-aantay na mapuno ang jeep, napansin ang jeepney driver na sobrang nakatutok sa pagbabasa ng bibliya at ito ay tila na nanalangin. Dagdag pa niya, sa sobrang focus ng driver sa pagbabasa parang nakalimutan na niyang katabi itong pasahero.

Source : Maye Alojado

Siya ay seryosong nagbabasa ng kanyang bibliya at isinusulat niya ang kaniyang mga natutunan sa kaniyang binasa. Tila namangha sa kaniya si Maye dahil ginugol niya ang oras niya sa paghihintay ng mga pasahero ang pagbabasa ng bibliya. Sa nakitang dedikasyon ni Maye kay manong driver tungkol sa kung paano ito naglalaan ng oras para pagmunihan ang sarili. May isang bagay na napagtanto si Maye, iyon ay ang kahit gaano man karami ang ginagawa ng tao sa araw-araw ay hindi dapat kalimutan ang pagninilay tungkol sa salita ng Diyos.

Minsan sa sobrang iniisip ng tao ang mga solusyon sa kanilang mga problema ay tila nakakalimutan na ang tamang ibig sabihin ng salitang Diyos. Kaya sa post ni Maye, lubos siyang nagpapasalamat sa jeepney driver dahil sa kaniya muling naibabalik ni Maye ang kaniyang sarili sa Panginoong Diyos. Sa wari ni Maye kaya ito taimtim na nagbabasa ay baka may pinagdadaanang pagsubok sa buhay kaya ito lamang ang kaniyang kinakapitan.

Source : Maye Alojado

Nais ni Maye na marami pang mga tao ang maging inspirasyon si manong driver, na nararapat lamang na araw-araw ay pagnilayan natin ang ating Panginoong Diyos. Kahit sa simpleng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at ang pananalangin sa bawat araw ng buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

China to fund $940-million for Subic-Clark Railway Project in PH

Elementary Graduate na sa isang private school ang batang parking boy noon na nagsauli ng napulot niyang pera