in

China to fund $940-million for Subic-Clark Railway Project in PH

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sisimulan na ang Subic-Clark Railway project na pinangangasiwaan ng PH at China. Ito umano ang pinakamalaking proyekto at pinakamalaki ang budget na G2G o government-to-government na proyekto ayon sa mga opisyal ng China.

Source : Google

Naglabas naman ng pahiyag ang Ambassador na si Huang Xilian at aniya, “This is so far the highest-funded G2G (government to government) project between the two countries valued at [approximately] $940 million and is the flagship project under the administration’s ‘Build, Build, Build’ program.”

Source : Google (Reference Only)

Ito ay sa paglalayon na makonekta ang Subic Bay Freeport Zone at ang Clark International Airport. Kasama na rin ang Department of Transportation’s (DOTr) North Railway Project. Ayon kay tugade, “We are expected to commence the process wherein we will be able to connect the cargo operation between Clark and Subic by rail.”

At dahil ang proyektong ito ay pinondohan ng mga Tsino, mayroong umano proseso na kailangan sundin. Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, “May proseso ho iyan kapag Chinese funded. Ang gusto nila mga involve sa proyekto na mga Chinese.” Nagpresinta umano ng tatlong Chinese contractors ngunit agad-agad na tinanggal ang isa.

Mayroon namang timeline na nakatalaga sa pagpapatayo ng railway. Ayon kay Tugade, “We want to start construction of the Subic-Clark railway by the first quarter at the earliest next year or the second quarter at the latest.”

Source : build.gov

Ang railway ay may habang 71-kilometers at ito ay isa lamang sa mga susunod pang naka planong ipapatayo ng gobyerno. Magkakaroon rin ng 30-km Metro Manila subway at 147-km North-South railway na siyang magkokonekta sa Laguna at Clark, Pampanga. Ang parehong nasabing railway ay popondohan umano ng Japanese government.

Source : Google (Reference Only)

Patuloy naman ang suporta ng gobyerno ng Tsina dahil balak rin nilang pondohan ang 581-km na PNR Bicol line at ang 102-km Mindanao railway na kokonekta sa Tagum at Digos.

Maliban naman sa mga ito ay may ipinapatayo din na railway project ang Ayala Corp, na extension ng LRT1 papuntang Cavite. Ang San Miguel Corp. ay mayroon ding North-South Railway project na kokonekta sa Tutuban sa Maynila hanggang Malolos, Bulacan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

A Girl graduated from college and became a licensed teacher, with the help of her loving and responsible boyfriend

Isang jeepney driver, matiyagang nagbabasa ng bibliya habang nag-aantay ng kaniyang mga pasahero