in ,

Bagong asawa ni Dennis Padilla, umani ng komento na kamukha daw ng ex-wife na si Marjorie Barretto

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Aktor at komedyante na si Dennis Padilla ay kasalukuyang masaya sa kanyang relasyon kay Linda Marie Gorton na isang Pinay-Aussie beauty.

Photo: Dennis Padilla IG

Matatandaan na matindi rin ang pinagdaanan ni Dennis Padilla nang maghiwalay sila ng kanyang dating asawa na si Marjorie Barretto. Nagkaroon sila ng tatlong anak na sila, Julia, Claudia at Leon. Sila ay nagsama nang 11 years lamang at naghiwalay noon 2007. Noong mga panahong iyon ay ibinuhos na lamang ni Dennis ang kanyang oras sa pamilya at sa trabaho.

Photo: Dennis Padilla IG

Pero natuto ring umibig muli ang aktor at walang duda na siya ay masayang masaya ngayon sa kanyang bagong asawa. Sila ay 12 years nang nagsasama at nabiyayaan ng tatlong magaganda at guwapong anak na sila Rizzi, Maddie at Gavin.

Photo: Dennis Padilla IG

Nagkaroon ng panahon na nagkalayo ang dalawa nang umuwi si Dennis sa Pilipinas at naiwan sa Australia si Linda, ngunit hindi naging hadlang ang panadaliang long distance relationship nila.

Photo: Dennis Padilla IG

Malaki ang age gap ng dalawa (24 years) at ayon kay Dennis ay hindi ito naging hadlang sa kanilang relasyon. Aniya, “Well, siyempre yung mga pinapasyalan ninyo, yung mga pinupuntahan ninyo, mas bagets. Natuto nga akong pumunta ng… Ano ba yun? Republiq [disco bar in Pasay]. Hindo ko naman pinupuntahan yung mga gano’n e. Siyempre, pupuntahan nya yung barkada niya. I have to join. Pag bagets ang girlfriend mo, parang bagets ka rin.”

Photo: Dennis Padilla IG

Ikinuwento rin ni Dennis na maayos ang relasyon ng mga anak niya sa mga anak niya kay Marjorie. Lalo na din ngayon na maganda na ang takbo ng relasyon niya sa mga anak niya. Aniya, “Wala namang ilangan sa kanilang dalawa no’ng magkita sila. Ako nga yung natensyon, e.”

Photo : Dennis Padilla IG

Umani naman ng mga komento mula sa netizens na kamukha ni Linda si Marjorie Barretto. Subalit may mga netizen rin ang nagreact na hindi naman dapat ipagkumpara ang hitsura ng dalawa dahil may sariling ganda ang mga ito, sa halip ay maging masaya na nakatagpo muli si Dennis ng mamahalin at magmamahal sa kaniya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Narito ang Listahan ng mga valid ID sa Pilipinas

A Girl graduated from college and became a licensed teacher, with the help of her loving and responsible boyfriend