in ,

Dating Beauty Queen at flight attendant, successful LPG seller na ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maraming tao ang nawalan ng trabaho ngayong taon dahil sa dala ng pandemya. Isa sa mga ito ay si Maureen Avila, na naging lead cabin crew member ng isang lokal na kompanya ng airline.


Ang kwento ni Maureen, ay nag-viral sa social media dahil sa pagkawala ng kaniyang trabaho. Ang mga unang araw na nawalan si Maureen ng trabaho sa sadyang napakahirap para sa kaniya, naranasan niyang hindi na kumain at bumangon sa kaniyang higaan dahil sa naging epekto ng pandemiya sa kaniya.

Maureen’s FB Profile


Ayon kay Maureen, siya ay natakot at nag-aalala dahil wala na siyang panggastos para sa kaniyang pamilya dahil nawalan siya ng trabaho. Dahil isa siya sa mga natanggal sa kanilang kompanya bilang isang flight attendant. Halos hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng pagkabalisa at nahihirapan siyang tanggapin na nawalan siya ng trabaho na kaniyang minahal niya sa loob ng tatlong taon. Ngunit, gayunpaman ang nangyari sa kaniya ay nakahanap naman si Maureen ng suporta mula sa kaniyang pamilya at sa kaniyang kasintahan.


Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataon na may nag-alok sa kaniya na kaibigan ng kaniyang kasintahan na mag-negosyo na lamang ng LPG. Dahil na rin sa kagustuhan ni Maureen na magkaroon ng pinagkakakitaan sa kabila ng pagkawala ng kaniyang trabaho, agad naman siyang pumayag sa alok sa kaniyang negosyo. Ngunit nag-alinlangan pa rin siya dahil dumating sa punto na kinailangan nilang magtipid dahil wala na siyang permanenteng trabaho.

Maureen’s FB Profile


Sa simula ay nag-alala si Maureen tungkol sa pagpasok niya sa pag-nenegosyo ng LPG dahil sa mahigpit na kumpetisyon nito sa pagbebenta ng mga LPG lalo pa’t ang kanilang mga kapitbahay ay nagbebenta rin ng LPG sa mas mababang halaga. Naiisip niya kung paano sila magkakaroon ng malaking tubo sa bawat LPG na maibebenta nila. Kaya imbis na tubo agad ang kanilang naisip, inuna muna nila ang makahanap ng mga customers na bibili sa kanila. Kaya bilang istratehiya sa kanilang negosyo sa tulong na rin ng kaniyang pamilya ay namigay sila ng mga flyer sa bawat bahay sa kanilang barangay. Siyempre sa kanilang pamimigay mayroon talagang interesadong bumili mayroon din namang hindi.

Maureen’s FB Profile


Sa tulong na rin ng kaniyang mga naiipon mula sa kaniyang pagtatrabaho ay nasimulan rin nila ang kanilang negosyo. Upang mas dumami ang maging interesado sa kaniyang produkto siya ay gumamit ng social media upang mas marami angg makakita ng kaniyang mga ibinebenta. Dahan-dahang pinalalago ni Maureen ang kaniyang negosyo, nagsimula siya sa maliit ngayon kahit papaano nakikita niya itong lumalago.


Hindi man maalis sa isip ni Maureen ang kaniyang trabaho noon, andyan naman ang kaniyang pamilya na handang tumulong sa kaniyang mga pagsubok sa buhay. Ika nga niya diskarte at sakripisyo ang kaniyang naging puhunan upang maitaguyod niya pa rin ang kaniyang pamilya. Payo ni Maureen sa maraming mga tao ngayon na nawalan ng trabaho ay huwag basta susuko sa laban ng buhay, dahil marami pang mga oppurtunidad na darating sa buhay ng tao. Dagdag pa niya, matutong pagsikapan ang lahat ng mga bagay upang umunlad ang buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

P740-B Airport set to open in 2025 according to San Miguel Chief

Narito ang Listahan ng mga valid ID sa Pilipinas