in , ,

LoveLove CuteCute AngryAngry

Top 5 na pinakamagandang babae sa buong mundo sa taong 2020-2021

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Iba-iba man ang lahi, ay tiyak na sasangayon kayo sa ganda ng mga babaeng ito. Lumabas na ang resulta ng survey ng TC Candler’s 31st Annual Independent Critics List of 2020.

Ang TC Candler ay kilala sa kanilang annual survey ng 100 na pinaka magandang mukha sa buong mundo. Dahil dito ay marami ang nais malaman kung sino nga ba ang masasabing 100 na magagandang babae sa mundo. Ang m ga nominado ay mga pawang suhestyon lamang sa kanila, at ang paghuhusga ay sa pamamagitan ng survey na sinasagutan ng mga tao sa buong mundo. Narito at alamin ang top 5 sa listahan ng TC Candler.

Top 5. Emilie Nereng

Si Emili Nereng ay isang modelo, blogger, at musikero na nanggagaling sa Norway. Siya ay kilala bilang “Voe” at nakilala siya nanh umani ng 3.6 million hits ang kanyang musika noong 2009 at 2010.

Top 4. Chou Tzu-Yu

Si Chou Tzu-Yu ay miyembro ng Korean girl group na Twice. Siya ay nagmula sa Taiwan ngunit nang dahil nakilala siya sa kanyang mga performance ay nagpasya itong magpunta ng South Korea. Siya ang pinakabata sa grupo nila at kahit na lahat ng miyembro ng Twice ay talagang magaganda, si Tzu-Yu ang pinaka sumikat sa kanila at nakilala sa buong mundo.

Top 3. Meika Wollard

Si Meika Wollard ay nagmula sa Australia at isang sikat na influencer. Sumikat siya gamit ang social media, dahil sa mga posts nito tungkol sa kanyang buhay. Dahil naman sa angkin niyang ganda ay marami na rin ang mga brand na kinuha siya bilang modelo.

Top 2. Lalisa Manoban

Si Lalisa ay kabilang sa isang sikat na girl group sa South Korea na, Blank Pink. Isa siyang rapper, singer, dancer at modelo ngunit higit sa lahat ay nakuha niya ang pagmamahal ng kanyang fans dahil sa ganda at talento nito.

Top 1. Yael Shelbia

Si Yael ang nakakuha ng top spot sa pinaka magandang mukha sa buong mundo para sa taong 2020. Siya ay nagmula sa Israel at nagsimula maging modelo sa murang edad. Nakilala naman siya sa buong mundo nang dahil sa kanyang social media na madalas shineshare ng kanyang mga fans.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Gaano Nga ba Kayaman ang mga Heirs at Heiresses sa Amerika?

P740-B Airport set to open in 2025 according to San Miguel Chief