in ,

P740-B Airport set to open in 2025 according to San Miguel Chief

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Para sa mga kakabayan nating taga-bulacan, isang magandang balita ang pagbubukas ng Bulacan Airport.

Nagbigay naman ng pahayag ang San Miguel Corporation (SMC) President at COO Ramon Ang, para sa pagbubukas ng nasabing airport. Kinumpirma nito na nagsimula na ang konstruksyon para sa New Manila International Airport (NMIA) at nakatakdang magbukas sa publiko sa taong 2025.

Ito naman ay inanunsyo matapos ang pagbubukas ng Skyway Stage 3, na siyang kumukunekta sa South Luzon Expressway at North Luzon Expressway.

Ang Dutch dredging firm Boskalis ang siyang nagsagawa ng pag-aayos sa project site sa Bulacan matapos ito i-award sa kanila ng SMC. August nang i-award ng Department of Transportation (DOTr) sa San Miguel Holdings Corp. – ang infrastructure unit ng SMC, ang pagsasagawa ng airport sa New Manila. September naman nang pinirmahan ng magkabilang panig ang concession deal para sa New Manila Airport.

Ang proyektong ito ay tinatayang may 2,500 hectare na siyang pagtatayuan ng paliparan na may passenger terminal, airport toll road at apat na runways. Ang mga gateway ay tinatayang kayang mag-accommodate ng 100 million na pasahero sa isang taon, ngunit ginagawan pa ng paraan na gawin itong 200 milliong pasaheron kada taon.

Ang paliparan ay may kayang magpalipad ng 240 aircraft movements kada isang oras. Magkakaroon din ng koneksyon na daan na magdudugtong sa North Luzon Expressway sa pamamagitan ng pagbuo ng 8.4 kiilometer na daan.

Hindi naman rito nagtatapos ang mga pinaplanong proyekto ng SMC dahil ipinagbigay alam na nila sa publiko na nais nilang magpatayo ng expressway na magdurogtong umano sa east at west ng metropolis. Ito ay tatawaging Pasig River Expressway (PAREX).

Ang PAREX ay dadaan sa kahabaan ng Pasig River na siya namang magdurogtong sa north-south, east-west link, hanggang sa R-10 sa Maynila, Edsa at C-5. Ito ay makaktulong ng husto sa namumuong traffic sa Cainta, Rizal at Marikina. Tinatayang ang PAREX ay may 19.4 kilometro ang haba at magkakaroon ng six lanes. Ang PAREX ay tinatayang matatapos sa taong 2023.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Top 5 na pinakamagandang babae sa buong mundo sa taong 2020-2021

Dating Beauty Queen at flight attendant, successful LPG seller na ngayon