in ,

Gaano Nga ba Kayaman ang mga Heirs at Heiresses sa Amerika?

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dumarami ang mga matatagumpay na Kompanya sa Amerika kahit ngayong panahon ng pandemya. Maswerte ang mga tagapagmana nito na siyang mga pinamanahan ng milyong dolyar. Narito ang mga mayayaman na tagapagmana ng mga malalaking kompanya sa Amerika.

1. Paris Hilton

Kilala si Paris Hilton bilang tagapagmana ng Hilton Hotels Corporation na siyang pinagmumulan ng kanyang yaman. Kung idaragdag rito ang kanyang kita bilang artista at pagsali sa TV shows ay umaabot ng $300 million ang kanyang total net worth.

2. Olivia Wilde

Isang kilalang artista si Olivia Wilde at hindi alam ng karamihan ay anak siya ni Andrew Cockburn ng Harper’s Magazine. Siya ay kumikita ng $20 Million lalo na’t naging sikat ang isa sa mga TV shows na kanyang pinagbidahan na, House.

3. Kate Hudson

Si Kate Hudson ay nagmula sa pamilya ng mga artista, ang kanyang Ina ay ang Hollywood actress na si Goldie Hawn at ang kanyang step father ay si Kurt Russell. Ang kanyang Ama naman ay ang singer na si Bill Hudson ngunit ang nagpalaki sa kanya ay ang kanyang ina at ang kanyang step father. Siya ay may net worth na $80 million.

4. Dakota Johnson

Si Dakota ay mula rin sa pamilya ng mga artista. Ang kanyang Ina ay si Melanie Griffith at ang kanyang ama ay si Don Johnson. Mas kilala si Dakota sa kanyang pagganap sa pelikulang Fifty Shades of Grey na siya naman sikat na sikat na pelikula. Si Dakota ay may net worth na $14 million.

5. Anderson Cooper

Kilala si Anderson Cooper bilang primary anchor ng CNN at siya ay anak ng socialite at fashionista na si Gloria Vanderbilt na nagmumula sa isang maimpluwensyang angkan sa New York. Ang Net Worth ni Anderson Cooper ay $110 million.

6. Balthazar Getty

Si Balthazar Getty ay tagapagmana ng Getty Oil fortune ngunit may angking talento si Balthazar sa larangan ng sining, acting, music at producing. Si Balthazar Getty ay may net worth na $200 million.

7. Amanda Hearst

Tagapagmana ng Hearst Corporation si Amanda Hearst. Ang Hearst Corporation ay ang nagmamayari sa Buzzfeed, Marie Claire, Cosmopolitan, Elle, ESPN at iba pang media groups. Siya ang associate marketing editor para sa Marie Claire at siya ay may net worth na $100 million.

8. Brooke Shields

Sikat na artista si Brooke Shields noong 1980’s at siya ay anak ni Teri Shields na artista rin. Ang ama niya ay executive ng Revlon kaya naman si Brook Shields ay may net worth na $25 million.

9. Billie Lourd

Isang sikat na artista si Billie Lourd at nagmumula din sa pamilya ng mga artista. Ang kanyang Ina ay si Carrie Fisher at ang kanyang lola ay si Debbie Reynolds. Ang kanyang net worth ay $25 million.

10. Jake Gyllenhaal

Si Jake Gyllenhaal ay sikat na artista sa Hollywood. Ang kanyang ama ay ang director na si Stephen Gyllenhaal at ang kanya ng Ina ay ang screenwriter na si Naomi Foner. Siya ay may net worth na $65 million.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Anak ni Jeric Raval na si AJ Raval, Inaasahang Isa Sa Mga Sisikat Sa 2021 Dahil Sa Angking Kagandahan Nito

Top 5 na pinakamagandang babae sa buong mundo sa taong 2020-2021