in

Cebu-Cordova bridge may possibly continue to Mactan Airport

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pinaka-aantay na Cebu-Cordova Link Expressway Corporation (CCLEC) ay maaari umano magextend hanggang Mactan Cebu Airport, ayon sa balita nitong linggo.

Sa isang ekslusibong panayam ng The Daily Tribune, kinompirma ng CCLEC President at General Manager na si Allan Go Alfon, “Yes, our company would like to pursue this project to extend CCLEX up to the airport.”

Photo: CCLEX FB PAGE

Dagdag pa ni Alfon, ay pinaplano nilang makipagtulungan kay Mayor Ahong (Chan) ng Lapu-Lapu City para sa proyektong ito. Tinatayang 2 hanggang 3 taon pa magsisimula ang proyekto at sa ngayon ay kinokompleto pa nila ang kanilang mga dokumentrayo at permit.

Kinompirma din sa panig ni Mayor Junard Chan na magkakaroon nga ng skyway na dudugtong sa Cordova hanggang Mactan Airport. Aniya, “Imagine, from SM seaside at the South Road Properties (SRP) in Cebu City to Mactan airport, you would travel in just 15 minutes.”

Ang CCLEC ay kasalukuyang nasa proseso ng pagpapatayo ng 8.5 kilometrong skyway na magdudugong sa Cordova City na nasa Mactan Island hanggang sa mainland Cebu, at kabilang na din ang South Road Properties (SRP) sa Cebu City. Ang konstruksyon ay may porsyentong 63.43 nang tapos as of October 2020. Ang CCLEC ay subsidiary ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) na kabilang sa MVP Group of Companies. Ang CCLEC ay ang kauna-unahang proyekto ng MPTC na labas sa Luzon.


Sa ngayon ay may dalawang tulay na nagkokonek sa dalawang Isla at madalas itong traffic dahil sa liit ng kalsada at sa dami ng may transaksyon sa magkatabing isla. Ito ay ang Sergio “Serging” Osmena Jr. Bridge at ang Marcelo Fernan Bridge. Nilalayon ng CCLEC na mapadali ang biyahe sa dalawang Isla upang lumago ang ekonomiya at commerce ng parehong isla.

Photo: CCLEX FB PAGE

Ito rin inaasahang makapagbibigay ng trabaho sa 1,871 personnel sa oras na matapos ito. Malaking tulong ito lalong lalo na ngayong p anahon ng kahirapan ng dahil sa pandemya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Filipina, nakakuha ng pinakamataas karangalan sa nangungunang Unibersidad sa bansang China

Anak ni Jeric Raval na si AJ Raval, Inaasahang Isa Sa Mga Sisikat Sa 2021 Dahil Sa Angking Kagandahan Nito