in

LoveLove

Anak ni Jeric Raval na si AJ Raval, Inaasahang Isa Sa Mga Sisikat Sa 2021 Dahil Sa Angking Kagandahan Nito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maganda, may talento at may angkin na charisma, iyan si AJ Raval. Kaya naman ay kapansin-pansin na lamang ang dumaraming fans nito at sunod-sunod na projects. Tinatayang isa ito sa mga magiging sikat na artista ngayong 2021.

Aj Raval IG

Unang lumabas sa AJ sa pelikulang “Paglaki ko, gusto kong maging #Pornstar” na mapapanood sa January 29 sa mga sinehan. Ito ay prinoduce ng VIVAMAX na bagong hanay ng Viva Communications Inc. Ang VIVAMAX ay isang susbciption video-on-demand streaming service na maglalaman ng iba’t ibang pelikula at palabas.

Aj Raval IG

Napansin ang malakas na screen presence at galing ni AJ sa pelikulang Pornstar kaya naman ay marami ang humanga rito. Napansin din ito ng iba pang producers at director.

AJ Raval IG

Makakabilang din si AJ sa sikat na palabas na, “Ang Probinsyano”. Siya ay nagsisimula nang magtaping para sa kanyang role bilang pulis na makakalaban ng karakter na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Aj Raval IG

Hindi lamang sa ama nito nakuha ang kanyang talento sa acting kundi pati na rin sa ina nito na isa ring artista noon. Si Allysa Alvarez na sumikat noong dekada ’90 ang ina ni AJ at hindi si Monica Herrera na siyang inakala ng marami.

AJ Raval IG


Marami ang nagsisimulang mapansin si AJ sa larangan ng showbiz kaya naman ay nagdagdag kami ng mga impormasyon ukol sa kanya. Elizabeth Buensucezo ang tunay na pangalan ni AJ at nagpaplano itong ipagpatuloy ang pagaaral matapos ang pandemya.

AJ Raval IG

Ang dating talent manager naman ng ina nito ay si Jojo Veloso na siyang talent manager ngayon ni AJ. Pahayag ni AJ ay, “It was my manager, Tito Jojo Veloso, who brought me to Viva at pumirma ako ng five-year, ten-movie contract. Eighteen years old ako nang pumirma ng kontrata sa Viva.”

AJ Raval IG

Ayon naman kay AJ ay sumali siya noon bilang guest sa noontime show na ‘It’s Showtime’, na siya namang naging daan upang mas marami ang makapansin sa kaniya. Aniya, “Una po akong napansin nang mag- guest ako noon sa ‘Kapare-who’ portion ng It’s Showtime. Nag- trending yung particular episode.

AJ Raval IG


Sinundan ito ng guesting namin ng daddy ko sa Minute To Win It na nag- trending din that same week.”

15-years old pa lamang si AJ ay naging member siya ng dance group na ‘Fabulous Girlfriends’. Ibinida rin nito na mahilig talaga siyang sumayaw at kumanta.

Aj Raval IG

Ibinahagi din ni AJ ang naging pakiramdam niya sa pagkapansin sa kanya ng madlang people, “Sobrang nagpapasalamat ako at napansin ako kahit mga sobrang sikat yung mga nakasama ko at ang gagaling pa nila.” Aniya ay naging inspirasyon nito na galingan pa sa industriya ng showbiz matapos makasama sila Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor sa pelikulang Pornstar.

AJ Raval IG

Dagdag pa ni AJ, “Sobrang saya ko at napansin ako dahil marami ang mga baguhang tulad ko ang nangangarap na mabigyan ng ganitong pagkakataon.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Cebu-Cordova bridge may possibly continue to Mactan Airport

Gaano Nga ba Kayaman ang mga Heirs at Heiresses sa Amerika?