in

Mga Kilalang Kastilyo sa Pilipinas na Maaring Pasyalan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sikat na sikat ang mga pelikulang tungkol sa prinsesa at prinsipe o mga pelikulang ginanap sa isang kastilyo. Kahit ang Royal Family sa Europa ay laging laman ng headlines sa internet. Ngunit sa Pilipinas kaya ay mayroong mga kastilyo? Narito at inilista naming ang mga kastilyo sa Pilipinas na pwedeng pasyalan.

  1. Riverstone Castle in Argao, Cebu

Hindi madalas pasyalan ng turista ang bayan ng Argao. Kaya naman ay nagsama-sama ang mga Cebuano, ang Galeos family at ang mga kaibigan nilang Norweigian at Belgian na bumuo ng tourist attraction sa kanilang lugar. Malakas ang tourism sa Cebu kaya naman ay naisipan nilang bumuo ng isang kastilyo na resort. Ito ay may swimming pool, underground restaurant, wine cellar, wishing wells at pati na rin torture chamber.

  1. The Ruins in Talisay City, Bacolod

Ang The Ruins sa Talisay, Bacolod ay dating tahanan ni Don Mariano Lacson. Kahit na ang labas na lamang ang natira rito ay makikita ang galing ng arkitektura at disenyo ng mansion.


Ang Mansyon ay binuo matapos mamatay ang asawa ni Don Mariano kaya ito ay tinawag na “Taj Mahal of Negros”. Ngunit sinadya itong sunugin upang hindi gamitin ng mga Hapon noong panahon ng giyera.

  1. Tai Castle in Taal, Tagaytay

Kilala bilang Tagaytay Castle house, ito ay pagmamay-ari ng isang Pilipino na ngayon ay nakatira sa HongKong. Ayon rito ay P30 Million ang nagastos sa pagpapagawa sa kastilyong ito. Ito ay may apat na guest rooms at isang master bedroom na Malaki. Ang bahay ay mayroong rin library, family room, kitchen, maid’s room at swimming pool sa rooftop.

  1. Temple of Leah in Busay, Cebu City

Ito naman ay tinatawag na “Taj Mahal of Cebu” para sa yumaong asawa ni Teodorico Sorian Adarna na si Leah Albino-Adarna. Ang apo nila ay ang sikat na artistang si Ellen Adarna. Ang 9 foot bronze statue ni Leah ang pinaka focal point ng mansion. Ito ay 5,000 square-meter na estate at may malaking gate na binabantayan ng dalawang golden-statues sa unahan at may marble fountain sa loob. Ang kastilyo mismo ay may pitong palapag at 24 na kwarto na naglalaman ng mga paboritong gamit ni Leah tulad ng mga libro, Chinese Jars at antiques.

  1. Tropicana Castle in Puerto Galera

Ang Tropicana Castle ay isang kastilyo sa Puerto Galera na nasa ibabaw ng bundok. Ito ay dinesenyo na bagay para sa mga royalty.

  1. Fantasy World in Lemery, Batangas

Ito ay isang kastilyo sa Lemery Batangas na parte sana ng isang theme park ngunit ngayon ay abandonado na. Luma na ang istruktura ng kastilyo ngunit mayroon nangangalaga rito upang hindi gumuho.

  1. Shrine of Simala in Sibonga, Cebu

Sa labas, ito ay mukhang isang malaking kastilyo ngunit ito ay isang monasteryo. Ito ay kilala rin bilang Castle of Faith and Monastery of the Holy Eucharist. Ito rin ay isang shrine ng Our Lady of Lindogon.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isko Moreno, inspirasyon ng maraming Pilipino

Isang Filipina, nakakuha ng pinakamataas karangalan sa nangungunang Unibersidad sa bansang China