Si Isko Moreno ay inspirasyon ng maraming Pilipino. Siya ay nagsimula bilang isang kolektor ng pagpag sa Tondo, isang batang lalaki na pinangarap lamang na maging isang seaman ngunit nakilala sa industriya ng showbiz at ngayon siya ay nasa mundo na ng politika.
Si Francisco Moreno Domagoso, na mas kilala sa tawag na Isko Moreno, ay nanalo sa karera ng pagka-alkalde sa Maynila. Hindi naging madali ang pagtakbo ni Isko sa politika dahil ang kaniya mismong iniidolo ang kaniya ring naging kalaban sa pagka-alkalde. Ngunit para sa kaniya ganun talaga ang takbo ng buhay walang hindi madali sa lahat ng bagay.
Si Isko ay Ipinanganak noong Oktubre 24, 1974 at lumaki sa barong-baro ng Tondo, Maynila. Ang kanyang ama ay isang ‘stevedore’, habang ang kanyang ina ay ang nag-aalaga ng mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

Ayon kay Isko, “At 10 years old na-realize ko na mahirap kami,” dahil wala silang sariling telebisyon at nakikinood lamang sila sa kanilang kapitbahay. Ang kanilang naging buhay ay hindi naging madali, dahil hindi laging mayroong trabaho ang kaniyang ama. Lagi silang nakakaranas ng gutom dahil wala silang makain sa kanilang hapag kainan. Kaya dahil sa hirap ng kanilang buhay nag-desisyon na maging isang batang pagpag kung saan ito ang mga pagkain na kinokolekta niya galing sa mga restawrant.
Ito ang mga pagkain na tinatapon na sobra ng mga customer, ito ay kanilang niluluto at ibinebenta sa kanilang mga kapitbahay upang sila ay magkaroon ng kita. Sa ganitong paraan nabubuhay ang kanilang pamilya noon.
Habang siya ay nagkakaisip, natutunan niya kung paano kumita ng pera sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga lumang pahayagan at mga gamit na bote. Ngunit ang kaniyang naging buhay sa kalye ay naging lubhang panganib dahil nasasangkot siya sa mga away at gulo sa kalye. Anumang uri ng kaguluhan na kaniyang naranasan ay hindi siya natulak palayo sa kaniyang pangarap na makatapos ng pag-aaral. Dahil palaging walang trabaho ang kanyang ama, kailangan niyang tumulong upang kumita ng pera para may pangtustos sila sa araw-araw.
Ang kaniyang mga magulang ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral pareho ang kaniyang ama at ina na elementarya lamang ang natapos. Kaya naisip noon ni Isko na malabo siyang makapag-aral ng kolehiyo dahil walang permanenteng kita ang kaniyang mga magulang. Naranasan din ni Isko na pagtawanan ng kaniyang mga kaklase dahil sa pagbebenta niya ng mga kalakal galing sa basura.
Kaya noong mga panahon na kinukutya siya ay naiiyak na lamang siya. Ngunit hindi iyon naging hadlang kay Isko upang maabot niya ang kaniyang mga pangarap sa buhay, dahil pinangarap niyang maging isang kapitan ng barko. Sadyang nagbabago ang ihip ng kapalaran kahit hindi man siya naging isang kapitan ng barko nakilala naman siya sa buong mundo.

Dahil sa angkin niya kagwapuhan ay natipuhan siya ng isang talent prodyuser na si Wowie Roxas, ito ang nagbigay sa kaniyang ng opportunidad na magkaroon ng trabaho. Kaya siya ay napasabak sa mundo ng pelikula. Noong una siya ay nangangapa pa sa kaniyang mga gagawin dahil ito ang unang beses na siya ay lalabas sa mga palabas sa telebisyon. Ngunit ganun pa man, ipinakita niya pa rin ang kaniyang talento sa pag-arte at mas pinabuti pa niya lalo ang kaniyang trabaho. Kaya sa murang edad siya na ay namulat sa industriya ng pag-aartista.

Iyon ang mga panahon na naranasan niya ang kaginhawaan ng buhay, kaya sinabi niya sa kaniyang sarili na kapag nakuha niya ang kaniyang unang sweldo ay ibibili niya ng mga pagkain para sa kaniyang pamilya. Kaya hindi kalaunan si Isko ay sumikat sa mundo ng showbiz at pelikula, siya ay nakilala dahil na rin sa kaniyang pagsisikap.

Dahil dito nagkaroon na siya ng pagkakataon upang makapag-aral ng kolehiyo. Pinasok na rin niya ang mundo ng politika upang mas maipakita ang kaniyang kakayahan.

Sa kaniyang mga magagandang adhikain siya hinahangan ng mga tao. Lalong lalo pa’t nakikita ito sa magandang takbo ng ekonomiya ng Lungsod ng Maynila ngayon.

Comments
Loading…