in ,

CryCry LoveLove

Isang amang bulag, hindi hadlang ang kapansanan upang makapaghanapbuhay para makatulong sa pamilya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang paghahanapbuhay ay hindi ganoon kadali, kinakailangan ito ng pagsusumikap upang kumita ng malaking halaga. Hindi batayan ang katayuan ang isang tao upang ito ang guminhawa sa buhay. Anuman ang estado ng tao sa buhay may pag-asa pa rin itong magkaroon ng magandang buhay.

Katulad na lamang ng isang lalaking bulag na nag-viral ngayon sa social media dahil sa kaniyang pagsusumikap na magbenta ng mga gulay at prutas upang kumita lamang ng pera. Ang lalaki itong ay namataan sa labas ng establishment ng Jollibee Odiongan Branch.

Ayon sa netizen na si Jake Dulce Fetalver, kung saan siya ang nagpost ng larawan ng lalaki sa facebook. Siya ay nanawagan sa social media upang may bumili ng mga ibinibenta nitong mga gulay at prutas para sa pagsalubong ng bagong taon. Siya ay naawa sa lalaki dahil sa kabila ng kapansanan nito ay hindi ito namamalimos sa kalye. Kaya ibinahagi niya ito upang matulungan ang lalaki na maubos ang kaniyang mga paninda upang may iuwi siya sa kaniyang pamilya.

Nakakamangha ang sitwasyon ng lalaking ito dahil hindi naging hadlang ang kaniyang kapansanan upang magkaroon siya ng maayos na hanapbuhay.

Ayon sa mga netizen na nagbigay ng kanilang mga reaksiyon, ang lalaki itong ay laging kasama ang kaniyang mga anak na siyang kaniyang mga mata sa kaniyang paglalakad. Ang pagsusumikap ng lalaking ito ay isang inspirasyon sa mga taong bumibili sa kaniya dahil hindi niya ikinahihiya ang kaniyang kapansanan magkaroon lamang ng maayos na hanapbuhay.

Ang lalaking ito ay nagbebenta rin sa palengke dahil na nga rin sa madami ng nagbebenta sa palengke kaya naisip na lang niyang maglako sa kalsada. Dahil na rin sa kagustuhan niyang maubos ang kanilang mga paninda na siya ring ibinibenta na kaniyang asawa sa palengke ay naglalako na lamang siya kasama ang kaniyang mga anak.

Ito ay isang pagpapatunay na hindi hadlang ang kapansanan para magsumikap at maitaguyod ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. Tunay ngang nagpapakita lamang ang lalaking ito ng kasipagaan at determinasyon sa buhay. Nawa’y maging inspirasyon pa ang lalaking ito sa mas marami pang mga tao na matutong magpahalaga anuman ang estado mo sa buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

9 Na Sikat Na Celebrities Na Noon Ay Mahirap Pero Mayaman Na Ngayon

Isko Moreno, inspirasyon ng maraming Pilipino