in

Alamin ang kwento ng dalagang nagmahal, iniwan, nagpaganda at naging flight attendant

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pag nagmahal nga naman ang isang tao ay hindi maiwasang umikot ang mundo niya rito. Subalit, sa oras na mawala ito sa iyong piling ano nga ba ang kaya mong gawin?

Kilalanin ang dalagang si Que Huong na 19-taong gulang at noon ay may malusog na pangangatawan. Ayon sa kanya, hindi niya pinangarap na kaya pala niya maging isang flight attendant dahil sa taglay niyang pangangatawan. Siya ay may taas na 163 centimeters (5.3ft) ngunit ang timbang nya ay 75 kilos (165lbs). Ito ay higit pa sa ideal na timbang ng isang 5.3ft na babae dahil ang ideal weight ay dapat 52.4 kg lamang (115.2 lbs).

Dahil rito ay nakatamo si Que Huong ng mga panlalait at di magagandang salita mula sa ibang tao. Ito ang nagpababa ng pagtingin niya sa kanyang sarili na nagbigay sa kanya ng takot na humarap sa salamin. Ang tangi lamang na nagbibigay sa kanya ng confidence ay ang pagmamahal ng kanyang nobyo. Nakakaya niyang bale-walain ang sinasabi ng ibang tao dahil mayroon siyang nobyo.

Ngunit hindi niya akalain na ang katangi-tanging nagbibigay sa kanya ng saya at pagmamahal ay mayroon na palang ibang nobya. Aniya ay nakita pa niya mismo ang hitsura ng ipinagpalit sa kanya. Laking gulat niya nang ito pala ay ubod ng ganda at maganda rin ang pangangatawan.

Ito na marahil ang pinakamasakit na natamo niya ngunit ito rin ang naging dahilan upang magpursige siyang magbawas ng timbang. Naging determinado si Que Hong at nanghiram pa ng pera sa kanyang kamag-anak upang makapag pa-membership sa isang gym. Dito ay nagfocus siya sa pagbabawas ng timbang na siya namang sinamahan niya ng pagkain masustansya.

Ibinahagi naman ni Que Hong na ang madalas niyang kainin ay pecho ng manok, isda, yogurt at mga gulay.

Dumating nga ang panahon na nakamit niya ang magandang pangangatawan at nagdesisyon din siyang maging flight attendant na isa pala sa kanyang pangarap na maging. Nagaral ito ng Ingles at nagapply sa Jet Star.

Kamangha-mangha ang transpormasyon ni Que Hong pati na rin ang determinasyon niyang makamit ito sa kabila ng pagkasawi ng kanyang puso.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

OFW And Single Mom Shares How Her Hardwork Overseas Enabled Her to Build A House And Business

9 Na Sikat Na Celebrities Na Noon Ay Mahirap Pero Mayaman Na Ngayon