in

9 Na Sikat Na Celebrities Na Noon Ay Mahirap Pero Mayaman Na Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa hirap ng buhay ay karamihan sa atin ay nangangarap na yumaman para maiahon sa kahirapan ang ating mga mahal sa buhay. Sa pagpupursige ay walang imposibleng makamit natin ito. Heto ang 9 na sikat na mga personalidad na naging patotoo na sa posibleng matupad ang mga pinapangarap basta’t may kasamang pagsisikap.

  1. Manny Pacquiao

Hinahangaan ng lahat ang pambansang kamao na si Sentaor Manny Pacquiao hindi lamang sa galing nito sa boxing kundi pati na rin sa pagmamahal nito sa mga Pilipino. Siya ay may net worth na $190 million o higit pa sa P10 billion pero bago niya makamit ang kanyang tagumpay ay dumaan siya sa iba’t ibang uri ng trabaho tulad ng konstruksyon worker at panadero.

  1. Willie Revillame

Minamahal ng marami si Kuya Wil dahil sa pagmamahal niya sa taong bayan. Host man siya ng mga gameshows ngunit lumalabas pa rin ang kanyang personalidad at pagmamahal sa kapwa sa bawat pagkikipagusap niya sa mga audience ng kanyang game show. Noon ay isang barker at drummer lamang si Kuya Wil.

  1. Gretchen Barretto

Si Gretchen ang unang Barretto na pumasok sa industriya ng Showbiz sa paglalayon na makatulong sa pamilya. Sinakripisyo niya ang oportunidad na makapagaral upang kumita ng pera sa murang edad.

  1. Regine Velasquez-Alcasid

Mahirap lamang noon ang tinaguriang Asia’s Song bird na si Regine Velasquez. Nagsimula lamang siya sa pagsali sa mga singing contest sa kanilang barangay hanggang sa nakamit niya ang tagumpay sa industriya ng musika.

  1. Jake Zyrus

Ang dating kilala bilang si Charice Pempengco ay sumasali lamang noon sa mga singing contest at nang madiskubre siya online ay nagbigay na ito ng daan para magamit ang talento niya sa pagkanta.

  1. Sarah Geronimo

Ang down-to-earth na superstar na si Sarah Geronimo ay mahirap lamang noon at ayon sa isang interview ay kinakapos pa umano ng pangkain ang kanilang pamilya. Kaya naman ay nagsumikap ito na sumali sa mga singing contest upang makatulong sa pamilya, pero nang dahil sa kanyang pagpupursige ay isa na siyang ganap na superstar at hinahangaang ng lahat.

  1. Jericho Rosales

Hindi itinago ni Echo sa publiko ang hirap ng buhay niya noon at inihayag pa ang iba’t ibang trabaho na pinasok niya. Ngunit ngayon ay mayaman na si Echo at nagsisilbing inspirasyon sa marami.

  1. Vice Ganda

Mayroon mapait na nakaraan ang kilalang Komedyante na si Vice Ganda, nang masaksihan nito ang pagkamatay ng kanyang ama. Ngunit hindi ito nagpadala sa depresyon at nagpursige na matulungan ang ina sa paghahanap buhay.

  1. Marvin Agustin

16 anyos pa lamang si Marvin Agustin nang nagtrabaho siya bilang waiter upang makatulong sa pamilya. Ngunit ngayon ay mayaman na siya at nagmamayari ang samu’t saring restaurant sa bansa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Dito Ang Glow-up Ng Babaeng Nasaktan At Iniwan Ng Kanyang Nobyo

Isang amang bulag, hindi hadlang ang kapansanan upang makapaghanapbuhay para makatulong sa pamilya