in

OFW And Single Mom Shares How Her Hardwork Overseas Enabled Her to Build A House And Business

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maraming Overseas Filipino Workers (OFW) ang kasalukuyang nagtatrabaho at nagtitiis na malayo sa kanilang pamilya upang matupad ang pinapangarap na magandang buhay. Katulad na lamang ni Lyn Ventura na siyang nagkwento ng kanyang pagsisikap, paghihirap at tagumpay na nakapagpatayo ng bahay at sariling negosyo.

Kuha sa vlog Ni Engr. Dantes

Bilang isang Ina ay pangarap ni Lyn na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang anak, pati na rin ang makapagpatayo ng bahay. Kaya naman ngayong nagawa na niya ito, proud na ikinuwento ni Lyn ang kanyang bagong bahay.

Ang unang palapag ng bahay ay nakalaan bilang commercial space para mapatayuan ng grocery o kaya salon. Ang pangalawang palapag ay siyang bahay nila at sa huling palapag ay pinaplano ni Lyn na ipaupa ang espasyo para sa mga espesyal na okasyon.

Kuha sa vlog Ni Engr. Dantes

Lubos naman nagpapasalamat si Lyn sa Diyos dahil sa sunod-sunod na biyaya na natatanggap niya, lalo na’t natamo niya ang tagumpay sa edad na 37.

Sa pahayag ni Lyn, “Gusto ko lang pong i-share sa mga kapwa ko OFW yung pangarap ko para sa pamilya ko na natupad ko nang dahil sa paggabay ni Lord God. Lahat po ay matutupad natin basta mgtiwala tayo sa ating kakayahan, magsikap at maging madiskarte sa buhay, anuman ating trabahuhin palagi nating galingan at pagbutihan”, ay ibinahagi niya ang mga sekreto sa kanyang tagumpay.

Hindi rin naman maiwasan ni Lyn na iparamdam ang hirap na dinanas niya nang malayo siya sa pamilya kaya naman ay naipahayag din nya, “Bilang OFW kahit malayo ako sa aking anak at single mother ako, nagsumikap akong marating ang aking narating ngayon para sa aking pamilya. Mahirap maging malayo sa pamilya ngunit nagsikap ako upang maiahon ko sa hirap ang aking pamilya.”

Tinawag niyang “smart house” ang kanyang bahay dahil hindi lamang ito basta bahay kundi ay nagagamit niya ito para kumita. Ayon sa kanya, “Smart house po dahil di lang po siya bahay, kumikitang bahay po siya.”

Kuha sa vlog Ni Engr. Dantes

Patuloy ni Lyn, “Sa ground floor my dalawang commercial space po na pwedeng lagyan ng grocery o salon na pwede pong pagkakitaan. Yung 1st floor po bahay ko po at ng aking anak. Yung rooftop po pwede pong pagdausan ng mga small gathering para sa mga small parties. Salamat po! sana po makatulong sa ibang nangangarap din po na mga OFW.”

Nais ni Lyn na magbigay inspirasyon sa iba pang OFW na katulad niya kaya naman ay kinuwento niya ang kanyang tagumpay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Stars that showed up in commercials before they became famous

Silipin Dito Ang Glow-up Ng Babaeng Nasaktan At Iniwan Ng Kanyang Nobyo