in

Pinoy na nakatuluyan ang isang Lithuanian, palaging basted noon sa mga Pinay

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Lahat ng tao ay naghahanap ng kanilang mamahalin at ng magmamahal sa kanila. Likas na sa atin ito lalo na sa ating mga Pilipino na malambing at romantiko. Kaya naman nang mabasted ng paulit-ulit si Eugene Galang ay talagang ikinadepres niya ito.

Lumabas ang storya ni Eugene at ng girlfriend niya Lithuanian na si Vikachcka Chaya Radaviciute sa isang episode ng Rated-K. Hindi lubos akalain ng dalawa na magiging viral ang istorya nila sa madla. Ngunit kung kwentong tunay na pag-ibig nga naman, sino pa ba ang number one fan kundi ang mga Pinoy.

Inamin ni Eugene na marami na siyang niligawan noon, kaso karaniwang nangyayari ay nababasted ito. Sa tuwing magsisimula pa lamang siya manligaw ay lumalayo na umano ang babaeng nililigawan niya sa kanya, kaya naman ay na depress ito. Ngunit hindi sumuko sa pag-ibig si Eugene at naisip nito na kung hindi niya makikita ang kanyang mapupusuan dito sa Pilipinas ay susubukan na lamang niyang sa labas ng bansa.

Sa kabutihang palad ay nakilala niya ang isang napakagandang Lithuaninan na si Vika, at sa Instagram nagsimula ang kanila paguusap. Hanggang sa dinala sila ng tadhana mula sa magkaibigan hanggang sa magka-ibigan. Unang nagtapat ng damdamin si Eugene at sumunod naman ng ‘I love you too’ ang dalaga.


Nang sumapit ang kanilang isang taon na magka LDR o long distance relationship ay bumisita si Vika sa bansa. Nadokumentaryo ang pagkikita ng dalawa sa airport na umani ng 1.6M views sa youtube.

Marami man ang botong boto sa kanilang pag-iibigan ay di maiiwasan na mayroon ding bashers. Matapang na pinagtanggol ni Vika ang pagmamahalan nila ni Eugene at madalas pa nga itong tawaging, “pogi Eugene”.

Napamahal na din kay Vika ang pamilya ni Eugene sa kanya at pati na rin ang bansang Pilipinas. Sa ngayon ay bumalik muli ng Europa si Vika at masayang inaasikaso ang Youtube Channel nila ni Eugene.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Woman from Nueva Ecija Completes Her Ipon Challenge

The Eight best indoor plants according to the plant experts