in

Philippines enters 2021 with “Cashless” Payments Led by PayMaya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pinangunahan ng PayMaya ang makabagong pamamaraan ng pagbabayad at pag transfer ng pera sa Pilipinas. Mas pinadali ang mga transaksyon ngayong panahon ng pandemya lalo na’t binibigyang importansya ang pagiwas sa paglaganap ng virus na tinatawag na COVID-19.

Mahigit 28 milyon na ang gumagamit ng PayMaya sa bansa kung saan ay madali na lamang ang pagbabayad, pagdagdag ng pera, pagcash-out at ang pagreremita sa mahigit 200,000 touchpoints sa Pilipinas.

Mga negosyante, mamimili at kahit mga ahensya ng gobyerno ay ginagamit ang app lalo na’t ito ang nangungunang end-to-end digital payments platform sa bansa. Kahit ang Smart Padala network nito ay pinalaganap sa halos 33,000 touchpoints sa buong bansa kabilang na ang mga malalayong isla sa Pilipinas.

Mapapadali na rin ang pagloload sa mga may negosyo ng e-loading, pagbabayad ng bills at sa mga supermarkets o vendors na tumatanggap ng QR payments. At dahil dito ay naging karaniwan na ang paggamit ng PayMaya sa bansa sa pagbilis ng paglaganap sa pamamaraan nito ng cashless payments.

Nagbigay naman ng pahayag ang presidente ng PayMaya na si Shailesh Baidwan, “No other fintech company has built this inclusive ecosystem of products, services, and touchpoints that reach a vast majority of Filipinos nationwide. We have made it so easy for ordinary consumers to get a financial account and for merchants to accept a wide range of cashless payments, including PayMaya.”

Dagdag pa nito, “This radical shift to cashless for the Philippines will only continue accelerating in 2021 as we offer more services and forge more enterprise partnerships that are relevant for many consumers.”

Sinusuportahan naman ng Bangko Sentral ang pagkakaroon ng cashless payments sa bansa. Ayon sa Digital Payments Transformation Roadmap ay mayroon nangn 50% ng mga Pilipino ang gumagamit ng digital payments at naglalayon na palaguin ito hanggang 70 porsyento sa taong 2023.

Naging malaking bahagi naman ng paggamit ng mga Pilipino sa PayMaya nang dahil sa pandemya. Dahil dito ay hindi na nila kailangan pang lumabas ng bahay, tumanggap ng sukli, o magpadala nang maiwasan ang contact sa ibang tao.

Ayon sa statistiko, ang pinaka madalas ng transaksyon ng PayMaya ay ang pagbabayad ng bills, pagpapadala sa mga kamag-anak at pagbili ng mobile load kung saan ay kabilang sa pang araw-araw na gawain ng mga Pilipino.

Kasabay din sa pagusad ng “Cashless Philippines” na kampanya ay ang mga ahensya ng gobyerno kung saan ay maaari nang magbayad ng SSS at mga loan gamit ang PayMaya. “Now that many Filipinos have their own PayMaya accounts, cashless payment technologies have become an essential part of the government’s arsenal toward economic recovery and building the better normal in the next few years,” pahayag ni Baidwan.

Kabilang na rin ang mga vendors na nagshift sa online selling ngayong panahon ng pandemya. Karamihan ay may sari-sariling social media accounts upang ipromote ang kanilang paninda. Dahil dito, ay mas pinili nilang gumamit ng PayMaya hindi lamang sa pagbabayad ng kanilang mga customer kundi pati na rin sa pagbabayad ng kanilang mga business permits at taxes. Pahayag naman ni Baidwan, “Our broadest range of relevant digital payment solutions for businesses of all sizes, coupled with fast and seamless onboarding, means it’s easier than ever for businesses to accept cashless payments within minutes.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Delivery Driver saves much money from the “Tip” of the customers

Giving Up is Not an Option: Two Former Flight Attendants Lost Their Jobs So They Set up a Business Instead