in

Giving Up is Not an Option: Two Former Flight Attendants Lost Their Jobs So They Set up a Business Instead

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nang dahil sa pandemya ay dumarami ang mga taong nawawalan ng trabaho. Sa pag-iwas ng paglaganap ng virus ay pansamantalang itinigil ang mga paliparan at dahil dito ay marami ang ating mga kababayan na flight attendant ang nawalan ng trabaho. Kabilang na rin si Kristine Canafranca at si Erika Nera na kabilang sa mag kaibang airline company ngunit nang dahil sa pandemya ay nawalan ng trabaho.

Hindi naman nagpatalo ang dalawa sa kanilang sitwasyon at sinikap na makapagtayo ng negosyo upung may pang sustento sa pang araw-araw na pangangailangan. Kabilang na rin ang mga kamag-anak at pamilya na umaasa sa kanilang suporta noong nagta-trabaho pa sila bilang flight attendant. Kaya naman ay nagpasya ang dalawa na magtulungan at magisip ng paraan upang kumita.

Napagkwentuhan nilang dalawa kasama ang kanilang mga kaibigan ang isang ideya nang pagbebenta ng local favorite ng mga pinoy na tapsilog. Isang putahe na tiyak na mabubusog ang mga customer sa murang halaga. Kaya naman ay nagtayo ang magkaibigang Erika at Kristine ng kanilang food business na, ‘Forksilog’.

Photo source from Cosmo

Makikita sa Instagram posts ni Kristine Canafranca na ang karaniwan na tapsilog (tapa, sinangag at itlog) ay mas lalo pa nila pinalaki ang servings at mayroong talong, kamatis at sibuyas na pampagana sa pagkain.

Photo source from Cosmo

Napakalayo nga naman ng pagtatayo ng food business sa kanilang experience sa pagiging flight attendant, ngunit nang dahil sa pursigido silang dalawa na malampasan ng pandemya ay pinag-igihan nila ang pagtatayo ng food business, “Sa panahon ngayon kasi ‘di ka na pwede umarte. Hindi mo na kailangan isipin na ganito lang kikitain natin, dati ganito. May family na umaasa sa’yo e, so kailangan mo talagang mag-pursige.”

Hindi inaasahan ng lahat ang pagdating ng pandemya, kaya naman karamihan ay gumagawa ng paraan upang kumite mapa-online man ang trabaho o hindi basta’t pursigido, ay tiyak na malalampasan ang panahong ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Philippines enters 2021 with “Cashless” Payments Led by PayMaya

Woman from Nueva Ecija Completes Her Ipon Challenge