in ,

Ang isang amang may “Php 10,000 Weight Loss Challenge” sa kaniyang anak ay kinagiliwan ng mga netizens

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tuwing kapaskuhan uso ang mga handang pagkain sa hapag kainan, sa mga restawrant, at sa mga handaan. Nag-eenjoy tayong kumain kasama ang ating pamilya, mga kaibigan at kahit ang ating mga katrabaho lalong-lalo na sa mga kasiyahan na may salo-salo.

Sa ganitong mga okasyon sadyang napakahirap ang hindi kumain ng marami lalo na kung masasarap ang mga pagkaing nakahain. Kaya ang nagiging resulta ay ang pagdagdag ng timbang. Kaya ito ang problema ng karamihan lalo na ang mga kababaihan. Sa nakasanayang kainan napakahirap na ang mag-diet.

Kagaya na lamang ng isang batang babae na nag-viral sa social media dahil sa hamon sa kaniya ng kaniyang ama. Ang hamon na ito ay ang kaniyang pagpapapayat. Ito ang kanilang “Php 10,000 Weight Loss Challenge” na sadyang kinagiliwan ng mga netizens.

Ang batang babaeng ito ay si Jelaine Paola De Jesus at ang naghamon ay ang kaniyang ama na si Jeric De Jesus. Ayon kay Jeric, ito ang kaniyang motibasyon upang magpapayat ang kaniyang anak dahil sa kabigatan at katabaan nito. Kaya nag-isip si Jeric ng paraan kung paano niya mapipilit ang kaniyang anak na magpapayat. Kaya gumawa siya ng kasulatan kung nakasaad ang kanilang usapan na kapag pumayat ang kaniyang anak sa loob ng limang buwan ay bibigyan niya ito ng Php10,000.

Ayon sa huling timbang ni Jelaine siya ay nasa 69 kls. Kaya nag-alala lamang ang kaniyang ama sa kaniyang kalagayan lalo pa’t magd adalaga na ito at ayaw niyang magkasakit ito sa puso na sanhi ng kaniyang katabaan.

Kaya ang hamon ay agad namang tinanggap ni Jelaine dahil sa premyo niyang Php10,000. Sa loob ng limang buwan ay nagtagumpay si Jelaine sa hamon ng kaniyang ama dahil mula sa 69 kls. siya ngayon ay 50 kls. na lamang. Laking tuwa niya ng makuha niya ang Php10,000 niyang pabuya, kaya pinost ito ng kaniyang ama sa facebook upang makita kung paano ito naging epektibo na motibasyon para sa kaniyang anak.

Maraming mga netizens ang naaliw sa “Php10,000 Weight Loss Challenge” ng mag-ama. Naging inspirasyon sila ng marami kung paano ipinakita ang determinasyon upang makamit ang isang bagay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Artistang si Giselle Sanchez kinoronahan bilang “Noble Queen of the Universe International 2020”

Andrea Brillantes Proud of Her Latest Achievement; Her Dream House