in , ,

Artistang si Giselle Sanchez kinoronahan bilang “Noble Queen of the Universe International 2020”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Si Giselle Sanchez ay isang multi-award actress, isang kolumnista ng dyaryo, isang TV host, at comedienne. Siya ay naging kinatawan ng Pilipinas sa nakaraang “Noble Queen of the Universe International 2020”. Kaya noong December 30, 2020 siya ang nakoronahan bilang “Noble Queen of the Universe International 2020” na ginanap virtual finals. Ito na ang pangalawang edisyon ng pageant na ito. Ito ay ang pandaigdigang adbokasiya sa buong mundo para sa mga babaeng nakatuon ang buhay para sa kanilang pamilya.

Ibinahagi ni Giselle sa kaniyang Instagram, na nagawa niyang maiuwi ang korona bilang “Noble Queen ng Universe International 2020”. Bukod sa korona nakuha din ni Giselle ang mga espesyal na parangal para sa “Noble Queen of Social Media” at “Noble Ambassadress of Humanity.”

Ang ibang mga kandidata na sina Anna Perez ng Pampanga ay nagwaging bilang first runner-up, at Catherine Coo Pulido Catalan mula sa Antipolo City ay nagwagi bilang second runner-up.

Ang isa rin sa mga adbokasiya ni Giselle sa pagsali niya sa pageant na ito ay upang makalikom ng mas malaking pondo para sa kanyang charity. Siya ang nagpapatakbo ng Giselle Sanchez Foundation na tumutulong sa mga batang hindi nakakapag-aral at sa mga pamilyang walang tahanan.

Ayon kay Giselle, siya ay nakumbinsi ng kaibigang si Patricia Javier na dating “Noble Queen Universe International 2019” na sumali sa taunang pageant ng charity organisasyon na tumutulong sa pagbuo ng mga tahanan para sa mga nangangailangan at magbigay ng tulong para sa mga biktima ng bagyo.

Si Giselle ngayon ay nakatuon ang kaniyang adbokasiya sa pagpapanatili ng programang pangkabuhayan para sa mga mahihirap na pamilya.
Ayon pa sa post ni Giselle sa kaniyang Instagram na may caption na, “And now, in a few days, I will be blessing a newly constructed home for a homeless family courtesy of the Noble Queen franchise.”

“I am so blessed that I have found this sisterhood who has fully supported my advocacy to help the homeless and provide food, Shelter, and sustainable livelihood for them,” dagdag pa niya.

Ito ang naging adhikain ni Giselle ang tumulong sa mga taong mahihirap. Dahil sa kaniyang pagiging family-oriented nagagawa ni Giselle ang tulungan ang mga pamilyang walang tahanan. Kaya maraming mga tao ang sumasaludo sa kaniyang magandang personalidad.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ryzza Mae Dizon, sa edad na 10 taong gulang ay mayroon ng sariling bahay

Ang isang amang may “Php 10,000 Weight Loss Challenge” sa kaniyang anak ay kinagiliwan ng mga netizens