in ,

LoveLove

Former Wowowee Dancer, RR Enriquez, Stands as Inspiration After Becoming a Multi-Millionaire Businesswoman

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dating Wowowee dancer na si RR Enriquez ay isa na pala ngayong Milyonaryong negosyante. Marami ang napahanga ni RR hindi lamang sa galing nitong sumayaw sa telebisyon noon dancer pa ito sa sikat na game show ni Willie Revilame kundi pati na rin sa narating nitong tagumpay sa negosyo nito.

Isa si RR Enriquez na sumikat sa palabas na Wowowee dahil sa galing at ganda nila. Kasama niya ang dalawa pang dancer na kilalang kilala ng lahat na si Luningning at si Mariposa. Ngunit matapos ang karera ni RR sa paggiging dancer ay nagpasya ito magnegosyo.

Kasama ang boyfriend nitong si Jay-Jay Helterbrand ay itinayo nila ang “Rejuva Aesthetics and Laser Center” sa Cavite noong 2011. Sabay nilang pinangarap ang magtayo ng negosyo ngunit ang boyfriend nitong si Jay-Jay ang nagpasya na magtayo ng beauty center dahil na rin sa naging inpluwensya ni RR sa industriya ng showbiz na siyang nakatulong upang magkaroon sila ng mga customers.

Laki naman ang pasasalamat ni RR sa mga loyal nila customers kaya’t ipinaghuhusay pa nila lalo ang serbisyo sa kanilang negosyo.

Hindi naman maipagkakaila na nagamit ni RR ang kanyang mga natutunan noong nagtatrabaho pa ito kaya’t sinisiguro nilang dalawa ng kanyang boyfriend na tama at patas ang pangangalaga nila sa kanilang mga empleyado.

Inamin naman ni RR sa isang interview na talagang hands-on siya sa negosyo at patuloy na may bagong natututunan araw-araw.

Isa lamang si RR sa mga nagtatrabaho sa industriya ng showbiz na nagpasyang mag negosyo upang kung dumating ang araw na hindi na ito magpatuloy roon ay may seguridad pa rin na may kita pa rin siya. Sa ngayon ay tumatayong inspirasyon si RR hindi lamang sa publiko at sa mga nagnanais magsimula ng kanilang negosyo kundi pati na rin sa mga katulad nitong nagtatrabaho sa industriya ng showbiz.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Filipino Made Air Quality Motor For Pollution Reduction Surprises the World

Paulo Avelino’s Fil-Aussie Girlfriend Trends On Social Media because of Her Looks