in ,

Filipino Made Air Quality Motor For Pollution Reduction Surprises the World

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang natatanging Air Quality Motor ay gawa ng mga siyentipiko ng Pilipinas. Sa pagtutulungan ng mga mananaliksik ng University of the Philippines Diliman at Department of Science and Technology sa hanay ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD) ay nahanapan na nila ng lunas at sagot sa polusyon sa bansa. Nakaimbento sila ng mura ngunit high-quality na aerosol motor na naglalayon na mabawasan ang polusyon sa Pilipinas at maging sa buong mundo.

Pinangunahan ito ni Dr. Len Herald V. Lim ang ROAM o ang Robust Optical Aerosol Motor na siyang may nakalaan na programa sa paglilinis ng hangin sa ating bansa.

Sa ngayon ay nakagawa na sila ng sampung ROAM at apat dito ay kasalukuyang dumadaan sa iba’t ibang uri ng eksperimento upang lalong mapabuti ang performance nito. Sa tulong naman ng Department of Natural Resources o DENR ay sinasagawa ang samu’t sarmring eksperimento para lalo itong mapakinabangan sa kahit anong klima. Ay nalalabing 6 na piraso ng ROAM ay sinusuri at idinadaan sa pagpapagawa ng permit para sa produksyon nito.

Photo : GettyImages

At dahil ang ganitong klase ng proyekto ay mangangailangan ng pondo, ay lumapit din sila sa Funding Assistance for Spin-off and Translation of Research in Advancing Commercialization o FASTRAC. Dahil dito ay mapapabilis ang produksyon at commercialization ng produkto.

Nagbigay pahayag naman si Dr. Enrico Paringit na pinaplano nitong ibahagi sa iba pang sanay ng gobyerno ang ROAM upang mas lalong mapaganda ang Air Quality sa mga lugar nila. Ayon rin dito ay, “As leader and partner in enabling innovations, we encourage our researchers for coming up with cutting-edge solutions to solve major environmental and societal issues. This technology is one significant stride in our path towards improving air quality. Now is a good time to cooperate with our innovators, adopt this solution to protect our future.”

Patuloy na mahbibigay serbisyo ang UPD upang makatulong sa mga kinakaharap na problema ng bansa tulad na lamang ng nadevelop nitong COVID-19 test kits na siyang nakatulong nitong panahon ng pandemya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang magsasaka ang nagbalik ng Php133,000 na pera noong araw ng kapaskuhan

Former Wowowee Dancer, RR Enriquez, Stands as Inspiration After Becoming a Multi-Millionaire Businesswoman