in

Yassi Pressman iiwanan na ang kaniyang karakter sa ‘Ang Probinsyano’, ngunit papalitan naman ng karakter ni Jane De Leon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Siguradong mamimiss ng mga manonood ang karakter ni Yassi Pressman sa FPJ’s ‘Ang Probinsyano’. Nakasanayan na ng mga manonood ang karakter ni Yassi gabi-gabi sa ‘Ang Probinsyano’ kaya’t tiyak na hanap-hanapin ng mga tao ang presensiya ni Yassi.

Kaya’t matapos ang apat na taon na pagiging bahagi niya sa teleseryeng ito ay nagpaalam na si Yassi sa kaniyang karakter bilang asawa ni Ricardo Dalisay na karakter naman na ginagampanan ni Coco Martin. Ang bagong proyekto na gagawin ni Yassi ngayon sa Viva Films ngayong papasok na 2021 ang naging dahilan ng kaniyang paglisan.

Samantala ang kaniyang karakter ay papalitan ng bagong karakter sa katauhan ni Jane De Leon. Siya ang magiging bagong interes sa pag-ibig ng karakter ni Coco Martin. Ang magiging bagong karakter ni Jane ay isang pinuno ng kapulisan bilang siya si Natalia Mante. Sa paglisan ng karakter ni Yassi, siya ang magiging bagong pag-ibig ng karakter ni Coco Martin.

Sa isang interview kay Kim Chiu sa ABS-CBN Christmas ay nabanggit niya na si Jane De Leon ang magiging bagong leading lady Coco Martin. Ang taping para sa ‘Ang Probinsyano’ ay isa na sa bagong pagkaka-abalahan ni Jane bago siya magsimulang mag-shoot para sa kaniyang teleseryeng ‘Darna’.

Kaya opisyal ng inanunsiyo sa naganap na meeting nila Jane kasama sina Coco Martin ang kaniyang pagtanggap sa bago niyang karakter.

Ang kauna-unahang sulyap kay de Leon bilang si ‘Lia’ ay noong digital pre-show ng ABS-CBN na 2020 Christmas special. Sinundan ito ng mensahe mula sa ‘Ang Probinsyano’ star na si Coco Martin na binabati siya sa malugod niyang pagtanggap sa kaniyang bagong karakter.

Ibinahagi ni Jane ang kaniyang kasiyahan at kagalakan sa pagiging bagong miyembro ng makasaysayang teleseryeng ito. Kaya lubos siyang nagpapasalamat sa malugod na pagtanggap sa kaniya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Filipina Nurse Receives $60 Million as Inheritance From Employer

Isang magsasaka ang nagbalik ng Php133,000 na pera noong araw ng kapaskuhan