in ,

Isang magsasaka ang nagbalik ng Php133,000 na pera noong araw ng kapaskuhan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagiging matapat ay isang mabuting gawain na dapat pinagyayaman. Sa hirap man ng buhay ngayon may mga tao pa rin talagang iniisip na gumawa ng kabutihan.

Ngayong araw ng kapaskuhan may isang matapat na tao na naman ang napahanga ang mga netizens sa social media.


Ang magsasaka na ito ay Mando Baniwas Alonzo, siya ay magsasaka sa Benguet. Ayon kay Mando, may natagpuan siyang isang sling bag na kaniyang natagpuan habang naglalakad siya sa kalsada patungong Sitio, Sayatan, Baayan noong umaga ng Disyembre 25, 2020 araw ng kapaskuhan. Agad niyang tiningnan ang laman nito at laki gulat niyang may laman itong napakaraming pera na nagkakahalaga ng nasa Php133,000.00


Hindi na nagdalawang isip si Mando na isauli ang nakitang sling bag. Ibinigay niya ito sa Municipal Police Station (MPS) ng Tublay, Benguet noong araw din mismo na iyon. Dahil umaasa siya na babalikan iyon ng may-ari. Ang sling bag na kaniyang nakita ay may pagkakakilanlan na dahil sa license ID na nasa loob nito maliban sa malaking halagang pera. Ang may-ari ng bag ay si Roger Bai Santiago, agaran siyang tinawagan ni Mando upang makuha niya agad ito dahil sa napaka importanteng nilalaman nito. Naibalik naman agad sa may-ari ang nasabing bag at sobrang nagpapasalamat ito kay Mando dahil sa pagiging matapat nito.


Kaya maraming netizens ang namangha sa kaniyang katapatan, kaya siya ay tinawag ngayon bilang “Honest Farmer”. Ito ay ibinahagi ng isang pulis sa istasyon na kaniyang pinagdalhan nito. Ayon sa post, ipinagmamalaki si Mando ng buong Benguet dahil sa kabila ng kanilang kahirapan hindi niya naisip na kunin yung pera na kaniyang nakita.

Kaya buong pusong sumasaludo ang Tublay Municipal Police Station sa katapatan ni Mando, kung saan sila ang nagbahagi ng kwento ni Mando. Ayon pa sa kanila, ito ang ‘The True Spirit of Christmas’.

Written by admin

Comments

Leave a Reply
  1. You Won’t Want To Miss This! 50 pcs medical surgical masks only $1.99 and N95 Mask $1.79 each.

    Special Offer for the next 48 Hours ONLY! Get yours here: pharmacyusa.online

    Best regards,

    Isang magsasaka ang nagbalik ng Php133,000 na pera noong araw ng kapaskuhan – Reader’s Channel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Yassi Pressman iiwanan na ang kaniyang karakter sa ‘Ang Probinsyano’, ngunit papalitan naman ng karakter ni Jane De Leon

Filipino Made Air Quality Motor For Pollution Reduction Surprises the World