in ,

Filipina Nurse Receives $60 Million as Inheritance From Employer

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang Pinay nurse sa Amerika ang maswerteng pinamanahan ng kanyang yumaong amo ng $60 million na halaga ng pera at bahay. Karaniwan ay sa pelikula lamang napapanood ang ganitong pangyayari, kaya’t tunay na nakakabilib ng pangyayaring ito.

Isang anak ng senador at nagmula sa mayamang angkan si Huguette Clark. Nagmamay-ari din ito ng minahan sa Amerika at sa kasamaang palad ay namatay ito noong 2011. Walang anak at ibang pamilyang nakakasama sa bahay si Clark kundi ang mga katulong at nurse nito. Kaya naman nang yumao ito ay ipinamana niya ang kanyang kayamanan sa kanila.

Masuwerteng kabilang dito ang isang nurse na taga Capiz, Philippines na si Gicela Oloroso.

Naibahagi naman sa isang libro na isinulat ni Bill Dedman at Paul Newell Jr. ang talambuhay ni Clark at kasama sa kwento ang pinay nurse na si Oloroso, na binigyang pamagat na “Empty Mansion”.

Nagpasyang maging nurse sa Amerika si Oloroso noong 22 taong gulang ito. Dala ng mga pangarap at pagsisikap ay nakapagtrabaho ito sa ibang bansa at walang kamalay malay sa nagaantay na swerte sa kaniya.

Doon ay nakakilala nito ang asawang Israeli, kaya naman ay sa kalaunan, pinalitan ni Oloroso ang kanyang apelyido ng Hadassah Peri.

Matapos nito, ay nagtrabaho si Oloroso sa kanyang 82-year old na amo na si Clark. May sakit na ito at nasa proseso ng pagpapagamot ay surgery nang magsimulang magtrabaho si Oloroso. Naging matagumpay naman ang mga operasyon na ginawa sa kanya kaya’t nabuhay pa ito hanggang 104 taong gulang.

Dahil napamahal ang amo kay Oloroso, dito na rin niya ibinuhos ang mga day-off nito. Patuloy niyang inaalagaan ay inaasikaso ang amo hanggang sa namayapa ito.

Sinuklian naman ng amo nito ay pagmamalasakit nito kaya naman ay pinamanahan niya si Oloroso ng pitong bahay kabilang na rin ang mga magarbong apartments nito sa Amerika. Pinag-aral rin nito ang tatlong anak ni Oloroso sa mga private school kabilang na din ang iba’t iba pang pangangailangan ng mga ito.

Parehong nag malasakit sa isa’t isa at dahil sa mabuting puso ni Olorosa ay nakatamo din siya ng magandang kapalaran.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang guro sa Kalinga, Province buwis buhay ang pagtawid sa “hanging bridge” maabot lamang ang kanyang mga estudyante

Yassi Pressman iiwanan na ang kaniyang karakter sa ‘Ang Probinsyano’, ngunit papalitan naman ng karakter ni Jane De Leon