in ,

Isang guro sa Kalinga, Province buwis buhay ang pagtawid sa “hanging bridge” maabot lamang ang kanyang mga estudyante

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa panahon natin ngayon ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ay nagsusumikap upang makapag tapos ng pag aaral. Nagsusumikap sila para sa kanilang kinabukasan. Dahil ang pagsusumikap ang susi sa kanilang tagumpay at makamit ang​ kanilangg inaasam na pangarap. Sa tulong na rin ng ating mga guro, ang mga kabataan ay matutunan sa loob at labas ng paaralan.

Kagaya na lamang ng kwento ng gurong si Maribel Catalig na mula sa lugar ng Pinukpuk, Kalinga, Province. Siya ay nagtuturo sa bononong elementary school. Sa bawat pagpasok ni Maribel ay tumatawid siya sa hanging bridge mula sa kanilang lugar papunta sa kanilang paaralan. Ang tulay na ito ay winasak ng nagdaan na bagyo kaya’t halos kalahati lamang ng struktura nito ang naiwan at hanggang ngayon ito ay hindi pa rin naaayos. Sa lugar na ito wala ng ibang madadaanan kundi ang tumawid sa nasabing tulay.

Ang pagtawid dito ni Maribel ay buwis buhay na maituturing dahil sa dalang peligro ng madulas na kawayan at kinakailangan ang mahigpit na pagkakahawak sa kalawang na cable wire nito. Naglalakad pa siya sa maputik na daan patungo sa paaralan dahil ito ay pabundok na lugar. Malayong kilometro rin ang kanyang nilalakad.

Sa kanyang dedikasyon sa kanyang trabaho umabot sa tatlong taon na kanyang naging pagtawid sa tulay. Para kay Maribel kinakailangan niya itong tiisin alang-alang sa mga batang kanyang tinuturuan. Ibinahagi ni Maribel kung ano ang nagbigay inspirasyon sa kanya na manatili sa kanyang pagtuturo sa kabila ng mga sakripisyo na kailangan niyang gawin araw-araw upang makapagturo lamang sa kanyang mga estudyante at dahil na rin napamahal na siya sa batang kanyang tinuturuan.

Nawa’y ang kanyang kwento ay magbigay inspirasyon sa bawat kabataan, na magsimulang mangarap para sa magandang kinabukasan dahil ang pagsasakripisyo ng ating mga guro ay hindi ganoon kadali upang makapagbigay lamang ng kaalaman sa bawat mag-aaral.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mga magandang paraan upang maging kasosyo ang asawa sa

Filipina Nurse Receives $60 Million as Inheritance From Employer