in

Narito ang mga 3 nakakahimok na dahilan kung bakit kinakailangan may “financial roadmap” sa paggastos

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa panahon ngayon nararapat lamang na may plano ang bawat isa tungkol sa paggamit ng tama ang salapi upang tayo ay karamay sa panahon ng kagipitan. Kaya narito ang mga benepisyo ng nagpaplano kung bakit kinakailangan ang paggastos ay may patutunguhan ito ang tinatawag na financial roadmapping.

  1. Ang pagkakaroon ng financial roadmap tungkol sa pananalapi ay makakatulong makontrol ang ating mga nakagawian sa paggastos.

Dahil ang bahagi ng pagtataguyod ng isang financial roadmap ay pagkilala sa mga tukoy na paggasta upang matukoy ang patutunguhan ng pananalapi, ito ang gumagabay sa nakagawian sa paggastos. Hangga’t maari kontrolin ang gastos na hindi aabot ng libo sa isang araw. Matutong budgetin ang pera huwag puro gastos lalong lalo na sa mga luho.

  1. Ang mga financial roadmap ay pampinansyal na nagpapabilis ng ating layunin tungkol sa tamang paggamit ng salapi.

Ang isa sa mga pangunahing bahagi nito ay ang tamang layunin ng paggamit ng salapi. Paano natin nakikita ang ating sarili sa paggamit ng salapi 10 taon mula ngayon? Nararapat lamang ito upang masigurado na nasusunod ang tamang paggamit ng ating budget.

  1. Ito ay nagtatakda ng mas malinaw na paraan upang makamit ang pampinansyal na pangangailangan.

Ito ay makakatulong upang makabayad sa pagkakautang. Sa pagkamit ng mga bagay na iyong gusto. Maari din itong makatulong upang may pang puhunan sa negosyo. Kaya nararapat na maging malinaw ang iyong plano sa paggamit ng inyong budget.

Ito ay nakakatulong upang maging mas malinaw kung saan maaaring maging ito sa pampinansyal na pangangailangan sa hinaharap. Kaya dapat bawat isa sa atin ay gumawa na ng tinatawag na “PISO PLANNER” upang makita ang tamang paggamit ng pananalapi at namo-monitor mo ang iyong paggasta. Upang makatipid ka na mas higit pa sa isang taon.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Filipinos’ Christmas Cheer Continues Amid Coronavirus Pandemic

Mga magandang paraan upang maging kasosyo ang asawa sa