in

Filipinos’ Christmas Cheer Continues Amid Coronavirus Pandemic

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilala tayong mga pinoy sa may pinaka mahabang pag celebrate ng Pasko sa mundo, dahil kadalasn ay September pa lang, ay maririnig mo na ang mga Christmas songs at may mga naglalagay na ng parol sa kani kanilang bahay. Ganun na lang ka mahal ng mga Pilipino ang Pasko ngunit ngayong pandemic mayroon bang pagbabago?

Pinangunahan na ng ating gobyerno ang patuloy na pagpapaalala sa mga safety measures tuwing lalabas ng bahay. Gayun pa man ay patuloy ang mga quarantine measures sa mga pupunta sa ibang lugar.

Ngunit hindi magpapatalo ang mga Pinoy kahit man ang ilan sa atin ay nawalan ng trabaho sa unang bahagi ng taon, ay patulog ang spirit of giving.

Katulad na lamang ni ginang Cecilia Moore na kahit na nawalan ng trabaho ang kanyang asawa nang dahil sa pandamic ay tuloy pa rin nilang ipagdiriwang ang pasko. Ayon sa kanya, “May COVID man o wala, ay kailangan pa rin ipagdiwang ang Pasko, ito’y isang tradisyong Pilipino.”

Ayon sa isang sociologist na si Yellowbelle Duaqui, maaaring parte na ng kulturang Pilipino ang pagdiriwang ng kapaskuhan. Saad niya, “Filipino hospitality is known to be the best in the world… we love to entertain.”

Isa namang gumagawa ng parol sa may San Fernando Manila na si Jeffrey Lopez ay patuloy ang pagbebenta ng mga parol kahit sa panahon ng pandemya. Saad niya, parang wala umanong pandemya dahil ang kita niya sa pagbebenta ng parol at festive lights ay umaabot ng 40,000 sa isang araw. Walang makakapigil sa Pasko.

Ngunit sa kabilang banda, ang dating pangangaroling ay hindi na maaari, pati na rin ang mga palabas sa mga malls at iba pang pagtitipon tipon ngayong Christmas season ay pinagbabawal. Ang mga bazaar at night market na kadalasan ay kabilaan ang pagbubukas ay hindi na katulad ng dati.

At dahil sa pandemya may mga pamilya pa rin na naghihirap ay naguhutom sa araw ng pasko. Kailangan natin tandaan na kahit ganito man kalaki ang pagbabago sa ating ekonomiya ay hindi pa rin natin dapat kalimutan tumulong sa mga nangangailangan. Ang pasko kahit man hindi kasing garbo noon, ay nasa puso ng bawat isa sa atin.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang ina hindi sinasayang ang kahon ng gatas ng kanyang anak, dahil ginawa niya itong “shoe organizer” ng kanyang pamilya

Narito ang mga 3 nakakahimok na dahilan kung bakit kinakailangan may “financial roadmap” sa paggastos